Pogoy  'naghuramentado' sa  Tropang Giga para idiskaril  ang Batang Pier, 117-93! 

Pogoy  'naghuramentado' sa  Tropang Giga para idiskaril  ang Batang Pier, 117-93! 

PBA

Pogoy  'naghuramentado' sa  Tropang Giga para idiskaril  ang Batang Pier, 117-93! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
ni Louis Pangilinan
 
Umangkla ang TNT sa plakadong mga kamay   ni  RR Pogoy para ilaglag ang NorthPort, 117-93 sa PBA Commissioner's Cup, Sabado sa Philsports Arena. 
 
Tumikada si Pogoy ng sanrekwang 32 puntos, kabilang na ang malikmatang  8-of-9 tira sa ilalim at ang 21 naipukol sa ikalawang kanto para gatungan ang Tropang Giga na makabalik sa magarbong panalo, matapos ang malabangungot na 92-94 heartbreaker kontra Magnolia sa kanilang  conference debut.
 
 
Kaakibat ang pagliwanag ng lakas ng TNT mula kay Pogoy na humarurot buhat  sa dikit na   41-39 contest at akuin ang  58-44 distansiya diretso sa  halftime break. 
 
Balik eksena si Mikey Williams matapos mabangko dulot ng injury sa inisyal na aksiyon ng   TNT at  pagsanib ng puwersa ni import Cameron Oliver sa muling pagratsada sa aksiyon ng   Tropang Giga para palawakin pa ang agwat sa  87-62. 
 
Rumampa si Oliver ng  20 saliw ang 10 rebounds at limang  assists habang sumalansan si  Williams sa kanyang  19-7-6 para ayudahan ang  ganadong  si Pogoy. 
 
"Aggressive lang talaga ako sa game kasi ang sakit ng pagkatalo namin last game," saad ni  Pogoy, patungkol sa naging unang duwelo nila sa  Hotshots kung saan tinambakan ang tropa ng  13 puntos. 
 
Ruta sa kanilang  tagumpay, ang malagkit na depensa ng Tropang Giga ang umipit kay  NorthPort star Robert Bolick, na umiskor lang ng  14 sa 5-of-12 shooting makaraang  nagpasabog ng 44 sa kanilang  101-95 upset ng  Meralco noong Sept. 30. 
 
"We really game-planned for Robert because he's really the heart and soul of their team. Even if the other guys scored, we're willing to swallow it to make sure we won't allow Robert to get going. That's a big part of the reason we won," sambit ni  Reyes.(Louis Pangilinan/PBA)
 
Photo by : PBA.PH  
 
Iskor: 
 
TNT 117 - Pogoy 32, Oliver 20, M. Williams 19, Tungcab 9, Erram 8, Montalbo 8, Cruz 7, K. Williams 6, Oftana 4, Rosser 4, Alejandro 0, Marcelo 0. 
 
NorthPort 93 - Tolentino 19, Ibeh 18, Bolick 14, Chan 9, Ferrer 8, Santos 7, Sumang 4, Balanza 4, Salado 4, Taha 2, Calma 2, Caperal 2, Ayaay 0. 
 
Quarters: 25-24, 58-44, 87-62, 117-93