GAB chair Baham Mitra, Atayde sa TOPS' Usapang Sports

GAB chair Baham Mitra, Atayde sa TOPS' Usapang Sports

GAB chair Baham Mitra, Atayde sa TOPS' Usapang Sports

GAB chair Baham Mitra, Atayde sa TOPS' Usapang Sports

Hihimayin ni Games and Amusement Board (GAB) chairman Baham Mitra ang mga plano sa ahensiya sa gitna ng pandemya sa ikalawang paglarga ng TOPS Usapang Sports via zoom.

Gayundin babalitaan tayo ng mga kaganapan sa larangan ng football sa bansa sa pamamagitan ni Youth Football League president Mike Atayde.

Ihahayag ng dating congressman/Palawan Gov. na si Mitra ang mga progreso ng kanilang pagsumite sa tinatawag na "new normal " protocols sa mga pag-eensayo sa tatlong sports at iba pa sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Matutunghayan ang live streaming sa Sports On Air sa facebook at Youtube na pinapaandar ng mga malalaking tabloid organization editors sa bansa na People's Tonight, Balita, Abante, Remate, Police Files Tonite, Bulgar, Hataw, Pilipino Mirror, Pilipino Star Ngayon, PM, Saksi at Sportsmanila.net.

Magsisimula ang balitaktakan alas diyes ng umaga sa pamumuno ni TOPS President Ed Andaya. (Louis Pangilinan)