FEU Tams usad sa semis; Adamson Falcons laglag!

FEU Tams usad sa semis; Adamson Falcons laglag!

 

Ni Louis Pangilinan

Tuluyang pinag-empake ng  Far Eastern University ang Adamson  para sa  Final Four race ng UAAP Season 82 men's basketball tournament sa bisa ng dikdikang  63-60 pagsuwag, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Tumabo si L-Jay Gonzales ng  11 points, walong  rebounds, at tatlong assists, kasama na ang  crucial split buhat sa linya may  1:28 sa aksiyon kung saan blinangko ng  Tamaraws ang Soaring Falcons sa huling minuto.

Sa katunayan, may oportunidad pa sana si  Jerom Lastimosa, na tumira  para ipuwersa ang  overtime makaraang  ihigit  ng Adamson ang  FEU  sa crucial five-second inbounds violation may  11.4 seconds pa, pero tumalbog ang  kanyang tres  pagtunog ng buzzer.

Nanatili sa ikaapat na posisyon ang  Tamaraws sa kanilang 7-6 record.

"Obviously we’re happy with the win, which was our seventh, but actually, we haven’t done anything yet. We have no reason really to celebrate," sambit ni coach Olsen Racela.

Naghatag rin si Wendell Comboy ng 11 points at pitong rebounds,  habang si  Ken Tuffin ay kumana ng  11 points at 7 boards  sa larong kung saan nawaldas ng  FEU  ang 12-point lead, 55-43 sa  fourth.

Trinabaho ni Cameroonian center Patrick Tchuente ang paghatag ng  16 rebounds,  habang komolekta ng 4 puntos at dalawang supalpal.

Mapait na kabiguan  ito para sa Adamson, kung saan nalaglag sila sa unang  semifinals  buhat nang akuin  ni coach Franz Pumaren ang manibela noong  2016.

Dinala ni Congolese big man Lenda Douanga ang Soaring Falcons na may  10 points, 22 rebounds, at 2 blocks,  pero hindi sapat para mailigtas  ang tropa,  4-8 kartada.

Sina Jerrick Ahanmisi at Aaron Fermin ay kapuwa umiskor ng 10 sa pagkatalo

Iskor:

FEU 63 -- Comboy 11, Gonzales 11, Tuffin 11, Bienes 6, Stockton 6, Nunag 5, Ebona 4, Tchuente 4, Torres 3, Alforque 2, Cani 0.

ADU 60 -- Ahanmisi 10, Douanga 10, Fermin 10, Lastimosa 9, Camacho 6, Manlapaz 5, Sabandal 4, Mojica 3, Yerro 2, Chauca 1, Bernardo 0, Magbuhos 0.

Quarterscores: 22-12, 43-31, 50-41, 63-60.(LP)