Pinoy skaters hangad makapag-ambag ng malaki sa kampany ng Pinas sa SEA Game

Pinoy skaters hangad makapag-ambag ng malaki sa kampany ng Pinas sa SEA Game

Pinoy skaters hangad makapag-ambag ng malaki sa kampany ng Pinas sa SEA Game

Pinoy skaters hangad makapag-ambag ng malaki sa kampany ng Pinas sa SEA Game

Naging prominenteng larangan ang Skateboarding sa Pilipinas nang humablot ng gold medal si Margielyn Didal sa 2018 Asian Games.

Ang brilyo ni Didal ang humimas para sa iba pang national skaters kung saan target nilang dominahin ang skateboarding competitions sa nalalapit n 30th Southeast Asian Games sa Nov. 30-Dec. 11.

Ayaw munang markahan ni Skateboarding chief Monty Mendigoria ang bilang ng medalyang maaring maisampa sa naturang disiplina, pero kumpiyansa na ang tropa'y makakapagbatak sa harap ng hometown crowd sa Palarong idaraos sa Tagaytay City.

``Malaki ang chance natin, lalo na we are considered as a powerhouse in Southeast Asia,’’ wika ni Mendigoria, pangulo ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP), ang  local governing body sport.

``But of course we have to work really hard lalo na sa mga ensayo,’’ ani pa Mendigoria.

Walong golds ang nakataya buhat sa skateboarding's street event, game of skate at downhill events para sa men's and women's categories.

Bukod kay Didal, ibabalandra ng sport ang fresh local at international talents na siguradong lalaro ng buong puso para sa tagumpay na kampanya sa  SEA Games.

Sina Filipino-Americans Christiana Means at  Jericho "Kiko" Francisco ay makakasama ni Didal para dalhin ang bandila ng bansa at walong iba pang  skaters.

Si Mendigoria, gayunman ipananatiling ang final list ng Filipino skaters ay confidential hanggang sa deadline ng pagsumite ng mga pangalan sa SEA Games Federation.

"I don't want to give any details for now kasi baka masilip tayo ng mga kalaban. But definitely, kumpleto na ang line-up natin,’’ ani Mendigoria.

``We have 11 athletes who will compete including Margie, of course. Kapag okay na 'yung line-up ng ibang countries, we will disclose the line-up for our team," hayag pa niya.(Louis Pangilinan)