AIBA World C'ship: Paalam, Marcial ratsada pa

AIBA World C'ship: Paalam, Marcial ratsada pa

AIBA World C'ship: Paalam, Marcial ratsada pa

AIBA World C'ship: Paalam, Marcial ratsada pa

Dalawa pang Filipino boxers ang umusad, habang isa ay laglag sa 2019 AIBA Elite Men's World Championship sa Ekaterinburg, Russia.

Panalo si lightweight James Palicte sa first round ng kanyang laban kontra Jose Manuel Viafara ng Colombia, pero sa kalaunan ay natalo via unanimous decision, Biyernes.

Naging okey ang Sabado para sa mga Pinoy nang kapwa sina flyweight Carlo Paalam ng Cagayan de Oro at Zamboanga's Eumir Felix Marcial ay pawang kumbinsidong dinispatsa ang kanilang kalaban.

Ipinamalas ni Paalam ang husay ng footwork at timpladong kumbinasyon para ibalibag ang higit na ekperiyensadong Hungarian, Istvan Szaka, at kunin ang pabor ng mga hurado, 5-0.

Ang tagumpay ni Marcial ay higit pang umalab kung saan pinasuko niya si tournament's No. 2 middleweight seed, Tarik Allali ng Morocco, sa unang round pa lamang.

Nasa attack mode ang Moroccan nang ang marubdob na Zamboangueno ay rumesbak ng umuusok na left-right combination na nagpaupo kay Allali sa kanyang salawal.

Ibinigay ng referee mandatory 8-count at sunod na inihinto ang laban, para ihayag kay Marcial ang panalo sa bisa ng RSC (Referee Stopped Contest).

Si light heavyweight John Marvin ay naipanalo ang kanyang first fight ngunit nagtamo ng malaking sugat sa kanyang kaliwang mata at kinailangang tahiin at ang coaches, sa pamumuno nina former Olympians Ronald Chavez at Roel Velasco at foreign consultant Don Abnett (Australia) ay nagpasyang magpahinga na lamang sa torneo para maiwasan ang anupamang kapamahakan.

Haharapin naman ni Featherweight Ian Clark Bautista ang Argentinian boxer na si Mirko Jejiel Cuello.(Louis Pangilinan)