Gilas nasa China na

Gilas nasa China na

Gilas nasa China na

Gilas nasa China na

Bibira agad sa ensayo ang Gilas Pilipinas paglapag nila sa China para sa 2019 FIBA World Cup na magsisimula bukas (Agosto 31)

Kahapon bumiyahe na ang Gilas patungong Guangdong, China

Agad na sasalang sa ensayo ang Gilas Pilipinas sa Foshan kung saan idaraos ang mga laro sa Group D na kabilang ang tropa.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao, isa sa kanyang mga inaalala ay ang acclimitization lalo pa’t alam nilang maigsing panahon lang para magamay nila ang lugar.

“Yung acclimatization period namin is quite short. All the other teams have been in China for the last week or so. So kami dalawang araw lang,” sabi ng Gilas coach.

“Pero I don’t think there’s any question with the time zone or the weather. So I don’t think na matatagalan yung acclimatization namin. That’s my only concern actually.”

Pero siniguro ni Guiao na mataas ang morale ng mga Pinoy na handang lumaban kahit napakalaki ng hinaharap na pagsubok.

Inaasahan din na aayusin na ni Guiao ang lahat ng gusot kasabay ng “testing” sa game plan na binuo nila sa loob ng ilang buwan.

Makakasagupa ng Gilas sa group phase ang Angola, Italy at Serbia.(Louis Pangilinan)