June Mar single rebound lang: ANYARE!

June Mar single rebound lang: ANYARE!

Laro ngayon
(Mall of Asia )

7pm - San Miguel vs Rain or Shine

Hindi kapani paniwala, pero ito ang totoong nangyari kay 6-foot-10 June Mar "The Kraken" Fajardo nang kumalawit lang siya ng single rebound buhat sa 111-105 win ng San Miguel kontra Rain or Shine kamakalawa sa kanilang PBA Commissioner's Cup semifinals series sa Big Dome.

Tumabo ang The Kraken ng 9 puntos sa pagbabad ng 25 minuto sa laro. Pero ang higit na nakatawag pansin da kanyang stats ay ang nag-iisang rebound na napulot sa Game 1 ng.best-of-five series.

Humantong na mas may maraming nahablot na rebound ang Elasto Painters kaysa Beermen, 46-42.

Amg matindi, lider si Fajardo sa lahat ng lokal sa departamento ng rebounding ngayong conference, averaging 11.8 per game. Naabot din niya ang career-milestone sa paghablot ng 4,000 boards dalawang laro ang nakalipas.

Ang kabiguan ng Beermen na madomina boards ang naging sanhi mg mainit na diskusyon sa bench sa oras timeout, na naging matabil si import Chris McCullough hinggil sa tropa sa hindi makuhang serbisyo sa pagkalawit ng bola.
Gayunman, naniniwala ai veteran forward Arwind Santos na reresbak si Fajardo bago matapos ang nalalanong best-of-five series.

"Si June Mar hindi pa ganun kainit yun," ani Santos Cebuano player.

"Inaasar ko nga siya kasi ngayon ko lang nakita na one rebound lang siya. Siya pa ang nakakita," bulalas ni Santos. "Hindi ako makapaniwala." (Louis Pangilinan)