Ka Tropa versus Ginebra sa semis

Ka Tropa versus Ginebra sa semis

Ka Tropa versus Ginebra sa semis

Ni Louis Pangilinan
Tinungkab ng top seed TNT KaTropa ang No. 8 Alaska Milk matapos malagpasan ang 15-point deficit para kabigin ang 104-93 win at iparada ang pinakaaantisipang semifinal matchup laban sa titleholder Barangay Ginebra, Miyerkoles ng gabi sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Naligtasan ng KaTropa ang pananakot sa matchup kung saan dinanas ang nakapanlulumong 72-108 kabiguan, Linggo bago hinarap ang sadyang mapanganib na ratsada sa simula ng do-or-die sa Aces.

Nagsilbing mahabang bangungot ng sandali ang natikman ng KaTropa pero nagawa nilang daanin sa tiyagang sumagupa hanggang sa dumadagundong na huling yugto para maisalba ang serye tungo sa hinahangad na finals.

Maghaharap ang TNT at Ginebra para sa best-of-five semifinal playoff na ang mananalo ay sasampa sa serye ng kampeonato kontra sa mananaig sa isa pang semis matchup alin man sa SMB-Rain or Shine o SMB-Blackwater.

Tinapatan ni Terrence Jones ang kinakailangang ayuda ng Ka Tropa bagupaman ang lantutay na laro, ay bumatak ng halos triple-double na bilang pukol ang 37 points, 22 rebounds at 9 assists para isalba ang KaTropa buhat sa sana'y sorry exit sa liga.

Ikinasa rin ni Jones ang huling baskets para sa ataul ng Alaska sa bisa ng pasabog na three-point na naglagay sa 98-90 higit minuto na lang sa aksiyon.
(Louis Pangilinan)