Gin Kings unang tumungga sa semis

Gin Kings unang tumungga sa semis

Gin Kings unang tumungga sa semis

Laro ngayon
(Araneta Coliseum)
7pm - Blackwater vs Rain or Shine

Ni Louis Pangilinan
Hindi na hinayaan pa ng Barangay Ginebra na languin sila ng Magnolia Ang Pambansang Manok para maihirit ang panibagong giyera kamakalawa nang lagukin ang 106-80 panalo para unang sumampa sa PBA Commissioner's Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsilbing tanggero si Justin Brownlee sa kanyang game high 30 points, kasunod ng pasabog sa ikatlong kanto ng aksiyon.

Umiskor ang reigning conference Best Import ng 16 puntos na naipundar sa tatlong tres na naging daan para dumistansiya ang Ginebra buhat sa mga birada ng Magnolia matapos ang dikitang umpisa.

Sa tiyempong pagragasa ni Brownlee, angat ang Kings 87-60 at sa kanilang unang panalo laban sa Hotshots sa kanilang tatlong playoffs na pagsagupa.

Sa mariing follow-up sa kanilang 85-79 win sa best-of-three quarterfinals series' opener nung Sabado, pormal nang umusad ang Ginebra sa best-of-five semis kung saan abangers na lang sila sa mananalo sa pagitan ng TNT-Alaska na habang isinusulat ito kagabi ay naglalaro pa ang dalawang tropa.

"Man, it just feels good to just come out here, win and advance," ani Brownlee, na bumira ng 13-of-24 mula sa field at nagdagdag ng 9 rebounds, six assists at apat na steals. (Louis Pangilinan)

Scores:

Ginebra 106 - Brownlee 30, J. Aguilar 18, Tenorio 13, Caguioa 12, Pringle 11, Thompson 9, Devance 4, Slaughter 4, Teodoro 3, Mariano 2, Caperal 0, R. Aguilar 0.

Magnolia 80 - Barroca 17, Christmas 15, Sangalang 12, Jalalon 8, Reavis 8, Lee 5, Herndon 5, Dela Rosa 3, Abundo 3, Simon 2, Gamalinda 0, Ramos 0, Melton 0, Pascual 0.

Quarterscores: 24-23, 47-39, 87-60, 106-80