TNT: 'Alang puwang magkamali kontra Alaska

TNT: 'Alang puwang magkamali kontra Alaska

TNT: 'Alang puwang magkamali kontra Alaska

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum)

04:30 PM - San Miguel vs NorthPort
07:00 PM - Alaska vs TnT

Markado ang pitong korona, ang prangkisa ng TNT ay ikapito sa listahan ng liga bilang may pinakamaraming naipanalong koponan.

Pero maraming mga paghihirap at turok ng mga kabiguan.

Balik tanaw pa kung saan luhaan si Asi Taulava matapos ipukol ni Bal David ng Ginebra ang memorableng basket para makasilat sa top-seeded at twice-to-beat-holder Talk n Text team sa 1999 PBA Philippine Cup quarterfinals.

Hangad ng KaTropa na maiwasang muling madapa sa katulad na pangyayari sa pagsabak nila sa umaatakeng Alaska Milk Aces sa knockout face-off, ngayong alas 7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagawang makaalpas ng Aces sa dalawang do-or-die matches at naigapang ang ikatlo sa kampanyang makausad sa Commissioner's Cup Final Four versus sa mananalo sa pagitan ng Ginebra-Magnolia quarters matchup.

photo - PBA.PH
photo - PBA.PH

Tunaw ngayon ay ang bentahe ng KaTropa sa pangunguna sa eliminasyon sa matiwasay na 10-1 kartada. Pantay na sila ngayon ng Aces, kung saan walang puwang ang anumang pagkakamali.
Dismayado sa ipinamalas nilang 72-108 pagkatalo sa Aces nung Linggo, sinabi ni TNT consultant Mark Dickel na: "We'll just find a way to do better and come out ready for the next game."

Mistulang sila'y bugbog sarado kung saan nuknukan sila ng galing sa elims.

"They outhustled us, outrebounded us, outworked us. We're not just ready to play. Ultimately, when that happens, you're going to be in trouble," himutok. ni Dickel.

"We just didn't make shots and we didn't stick to our rules on D (defense). That kind of took us all out of our rhythm. At it just wasn't good," aniya pa.
Sa paghawi ng tabing, maghaharap naman ang Ginebra kontra NorthPort, alas 4:30 ng hapon. (Louis Pangilinan)