Ellerby ng Mayweather Promotions super-bilib kay Pacquiao

Ellerby ng Mayweather Promotions super-bilib kay Pacquiao

Ellerby ng Mayweather Promotions super-bilib kay Pacquiao

Ni Louis Pangilinan
Las Vegas - Walang dudang napabilib mismo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao maging ang pangulo ng Mayweather Promotions na si Leonard Ellerby matapos ang dikit na split decision win kay American Keith "One Time" Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas nung Linggo (July 21 sa Pinas).

Sa panalo na sinaksihan ng may 14,356 boxing aficionados, naisabit ng Pinoy ring legend ang super welterweight world belt.

"Manny Pacquiao showed what is all about, I told everybody, he looks different in the outside, it's different. He got a big heart" paghangang litanya ni Ellerby sa ipinakitang tapang ni Pacman sa ibabaw ng ring.

Stephanie Trapp/TGB Promotions
Stephanie Trapp/TGB Promotions

Unang pagkakataon na bumagsak ang dating undefeated champion na si Thurman sa unang round pa lang ng bakbakan nang masapol ng diretsong kanan, kung saan hindi na nasorpresa ang chief ng Mayweather Promotions na sa kabila umano ng kanyang edad ay matindi pa rin angas.

"Performing like that, he's 40 years old men, he is a great, great fighter in this era, " aniya.

Sa round 10, nagpakawala ang fighting senator ng left hook sa bodega ni Thurman na isang malinaw na napuruhan ito at nagawang umiwas sa mga birada ni Pacquiao sa mga huling minuto.

Umiskor ang compubox na indikasyon ng isang dikit na upakan kung saan bumira si Thurman ng 210 sa 195 habang abala sa pagpaulan ng suntok si Pacquiao na may 686 punches sa 571 ng Kano. (Louis Pangilinan)