Thurman inangasan ni Pacquiao!

Thurman inangasan ni Pacquiao!

Thurman inangasan ni Pacquiao!

Ni Louis Pangilinan
Las Vegas- Atat nang makipagbasagan ang 40- anyos at eight division world champion Manny "The Filipino pride" Pacquiao laban sa mas nakakabatang boksingero na si American undefeated WBA Super champion Keith "One Time" Thurman , 30 anyos, at may maangas na 29-0 22 knockouts record sa MGM grand sa LAS VEGAS NV sa July 20, 2019.

At habang palapit ang bakbakan, tumitindi rin ang mga binibitawang kataga ang Pinoy icon para ng kay welterweights kingpin Thurman .

"Boxing is about throwing punches, not who has the bigger body, my speed and power will speak for itself. He may underestimate me now, but he'll talk differently once he's in the ring with me." matalas na wika ni Pacquiao , tagos ang tiwalang maipapamalas niya pagdating ng July 20.

Sa maraming mga naging laban ni Pacquiao dati ay mistulang walang pake ang boxingero sa mga "trashtalk" at nanatiling tahimik pero ngayon ay nakuha ng kanyang kalaban ang kanyang attention at mistulang ginawa niyang armas at sandigan ang kanyang mga nabasa at napanood sa mga balita.

Gayunman nanatiling matapang pa din ang kabilang kampo na si Thurman at nagbitaw ng mga maaanghang na salita para kay Pacquiao kung saan sa predeksiyon niyang mananalo siya via "stoppage" o kaya knockout dugtong pa na siya'y : I'm a real fighter, and Manny Pacquiao is going to get a piece of it I was two years out of the game and I still hold the best record in the 147-pound division. You can throw shots and criticism at me if you want. But I bring entertainment to welterweight division."

Si Thurman at Pacquiao ay parehas ang rank below Americans Errol Spence Jr. at Terence Crawford sa welterweight division.

Ang fighting senator ay dating No 1 pound for pound at napasabak kay retired undefeated Floyd Mayweather Jr. sa kanyang pinakahuling tapak niya sa MGM. Numero uno naman ng ESPN welterweight si Thurman nung laban nila ni Danny Garcia dalawang taon ang nakalipas.

"Thurman reminds me the most of Ricky Hatton of fighters that I've faced. Will it be the same result? You never know," at I've been over his last fight; I've been over the fight he had before that. I'm sure he trains hard and is prepared, but I'm different [from his previous opponents]. I respect his power, but I can handle it." banggit ni Pacquiao.