Walang Harris, Phoenix wagi sa NLEX, 102-93!

Walang Harris, Phoenix wagi sa NLEX, 102-93!

Walang Harris, Phoenix wagi sa NLEX, 102-93!
PBA

Walang Harris, Phoenix wagi sa NLEX, 102-93!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tiniyak lang ng Phoenix Super LPG na ang kanilang pinakaunang Christmas Day game ay maging espesyal sa paghila ng 102-93 tagumpay laban sa unbeaten NLEX Sabado sa PBA Governors' Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamalas nina Matthew Wright at Justin Chua ang kanilang pinakamaalab na ratsada sa torneo habang ang iba pa nilang katropa ay naghatag ng busog na suporta para makasalba ang Fuel Masters kahit wala si Paul Harris sa halos kabuuan ng aksiyon at pigilin ang two-game slide.

Binatak ni Wright ang 23 points at siyam na rebounds habang nagdagdag si Chua ng 19 points at 6 rebounds para pamunuan ang tatlong iba pang lokal na umiskor ng double figures para sa Phoenix, na ngayo'y tinatak ang 3-2 baraha kasunod ng laro, parte ng dalawang araw na Christmas Special na tinaguriang "Season of Joy" at suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang "Pamaskong Handog" sa kanyang nasasakupan.

"These guys are really motivated, especially our leaders," sambit ni Phoenix coach Topex Robinson, na nakatanggap din ng ppsitibong regalo sa kanyang ika-46 na kaarawan.

"Matt there, as bad as we played our last two games, he just said we just have to keep on playing, that it's either we go all the way with three losses or we stop the streak of NLEX," dagdag ni Robinson.

Iskor:
Phoenix 102 - Wright 23, Chua 19, Banchero 17, Melecio 12, Perkins 10, Jazul 8, Demusis 4, Manganti 2, Harris 2, Garcia 2, Rios 2, Camacho 1, Muyang 0.

NLEX 93 - Oftana 18, Trollano 16, McDaniels 12, Alas 11, Varilla 10, Paniamogan 8, Rosales 8, Quinahan 6, Cruz 4, Semerad 0.

Quarters: 26-18, 49-43, 72-67, 102-93