Alaska pinigil ang two-game skid, pinagpag ang lugmok na Blackwater

Alaska pinigil ang two-game skid, pinagpag ang lugmok na Blackwater

Alaska pinigil ang two-game skid, pinagpag ang lugmok na Blackwater
PBA

Alaska pinigil ang two-game skid, pinagpag ang lugmok na Blackwater

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Walang magandang seremonya ng paghatid kay Blackwater import Jaylen Bond.

At ito'y nasilip ng Alaska nang ihataw ni Maverick Ahanmisi ang 17 points at walong rebounds para pamunuan ang Aces sa 98-75 win Miyerkules at 'yun na ang pamamaalam na aksiyon ni Bond para sa Bossing sa PBA Governors' Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Apat pang Alaska players ang umiskor ng doble pigura, rumatsa ng balanseng atake na naghatag sa Aces para ihinto ang two-game slide at mapabuti ang kanilang 3-2 rekord.

Bagupaman ang laban, inihayag ni Blackwater owner Dioceldo Sy na nakatakda nilang dalhin si Shawn Glover para kapalit ni Bond kung ang huli'y hindi makapaghatag ng scoring sock na kailangang-kailangan ng Bossing pronta ng mga injury sa key players.

Sakaling maareglo ni Bond ang offensive slack, at posibleng magdalawang isip ang Bossing sa kanilang plano. "Welcome problem," ang kuro ni coach Ariel Vanguardia.

Iskor:
Alaska 98 - Ahanmisi 17, Teng 14, Herndon 12, Tolomia 12, Ashaolu 10, DiGregorio 8, Tratter 7, Taha 6, Brondial 6, Publico 4, Stockton 2, Adamos 0, Racal 0, Ilagan 0, Marcelino 0.

Blackwater 75 - McCarthy 16, Daquioag 12, Baloria 9, Desiderio 8, Amer 7, Ebona 6, McAloney 6, Chauca 3, ond 2, Washington 0, Gabriel 0, Paras 0.

Quarters: 21-24, 50-43, 73-60 98-75