Rumesbak ang Terrafirma buhat sa 10-point pagkalublob sa huling yugto at talunin ang Rain or Shine sa ekstrang oras, 112-106 sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig, Sabado.
Tumubog si Aldrech Ramos ng tres para puwersahin ang overtime at hindi na napigilan mula dito at hinigit pa ang pagbibida sa ekstrang panahon para umentra ang Dyip sa win-column matapos sumabog sa halos markado nang panalo laban sa Phoenix Super LPG Fuel Masters Huwebes.
Naging susi si import Antonio Hester at trade acquisition Alex Cabagnot para yupiin ng Dyip ang asam ng Elasto Painters na 2-0 start sa tourney.
"Obviously, maganda ang preparation ng coaching staff. We wanted a good performance at maganda naman talaga ang naging performance namin so far. It's been great so far," sambit ni Cabagnot, kaakibat ang triple-double performance na 15 points, 11 assists at walong rebounds.
Ginanmpanan ni Hester ang kanyang agresibong serbisyo sa pagpitas ng 40 points, 11 assists at pitong rebounds na follow-up sa kanyang solidong PBA debut versus Fuel Masters.
"Hester has been doing great, at sinuklian lang namin kung ano ang binibigay niya sa amin. He's changed the atmosphere for the team even in practice. Magaan siya kasama," ani Cabagnot kay Hester.
Nagalak din ang coaching staff para kay Cabagnot, ang prized trade acquisition mula San Miguel Beer kapalit ni Simon Enciso.
"We're lucky to have Alex. He's our coach inside the court," sambit ni assistant coach Gian Nazario, na siyang pansamantalang humalili sa tropa kay head coach Johnedel Cardel na nagpapagaling sa kanyang back spasm.