Wright swak sa huli, Phoenix pinagpag ang Terrafirma 103-100

Wright swak sa huli, Phoenix pinagpag ang Terrafirma 103-100

Wright swak sa huli, Phoenix pinagpag ang Terrafirma 103-100
PBA

Wright swak sa huli, Phoenix pinagpag ang Terrafirma 103-100

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sumagitsit ang Phoenix Super LPG kaakibat ang sakalam na si Matthew Wright para iguhit ang pinaghirapang 103-100 pagpuslit kontra Terrafirma, Huwebes sa entrada ng kanilang kampanya sa PBA Governors Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Makaraang tumalbos lang ng dalawa sa sampung tirada buhat sa field sa unang tatlong yugto, pinal na nasilip ng Fil-Canadian gunner ang kanyang pulso at hinapit ang 5-of-10 sa huling kuwadro para sa 13 ng kanyang 17 puntos na naging swabe sa kanyang game-high 10 assists.

Ani Wright nakihamok ang kanyang tropa matapos ang hirap na dinanas sa kaagahan ng aksyon laban sa malaking inilakas ng kalaban na nakaungos ng 67-50 sa ikatlong kanto at 90-77 may 7:41 pa na nagsilbing testamento kung gaano naging maangas na bilang koponan.

"Coach Topex (Robinson), he just kept telling us to battle through it," hayag ni Wright.

"Terrafirma's a good team. They made a lot of improvements on their roster, they have some championship pedigree. So they're not the same Terrafirma of the past."

Iskor:

PHOENIX 103 - Harris 24, Banchero 18, Perkins 18, Wright 17, Jazul 9, Muyang 6, Manganti 4, Garcia 3, Chua 2, Pascual 2, Rios 0, Melecio 0, Tamsi 0.

TERRAFIRMA 100 - Hester 28, Tiongson 20, Cabagnot 12, Ramos 9, Cahilig 8, Adams 6, Ganuelas-Rosser 5, Celda 5, Gabayni 3, Camson 2, Pascual 2, Balagasay 0, Batiller 0.

QUARTERS: 30-25, 42-52, 67-77, 103-100

 

(Photo Credit by:Pba.ph)