Elasto Painters pinukpok ang Bossing sa krusyal na birada, 92-79!

Elasto Painters pinukpok ang Bossing sa krusyal na birada, 92-79!

Elasto Painters pinukpok ang Bossing sa krusyal na birada, 92-79!
PBA

Elasto Painters pinukpok ang Bossing sa krusyal na birada, 92-79!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Hindi pa rin nagwawakas na maipagpag ng Blackwater ang mapait na marka ng kabiguan kahit may mga pagbabago na sa liatahan ng kanilang kampo.

Idinagdag ng Rain or Shine ang pagkasiphayo ng Blackwater kung saan kinayas ng Elasto Painters ang mabagal na umpisa at hambalusin ang Bossing sa ikalawang parte diretso sa 92-79 panalo sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig Huwebes.

Sinimulan ni Henry Walker at kanyang kapanalig ang ikatlong kanto sa bisa ng 14 walang sagot na puntos para ipaling ang agos sa kanilang interes tungo sa pagkumpleto ng kanilang buwenamanong panalo sa reinforced tourney.

Hablot ng Blackwater ang opening quarter, 24-14 at napanatiling namnamin ang unahan sa kalagitnaan, 41-35, bago natunaw sa huli at ariin ang ika-20 sunod na talo mula pa noong Philippine Cup Clark bubble ng nakalipas na taon.

"We persevered amidst difficulty and in facing adversity. And embracing our culture of finding a way, our players just found a way," sambit no Rain or Shine coach Chris Gavina.

Iskor:
RAIN OR SHINE 92 - Walker 20, Nambatac 16, Mocon 16, Norwood 11, Belga 10, Jackson 5, Ponferada 4, Caracut 3, Asistio 3, Santillan 3, Tolentino 1, Torres 0.

BLACKWATER 79 - McCarthy 15, Amer 14, Ebona 14, Bond 13, Casio 10, Desiderio 5, Paras 3, Escoto 3, McAloney 2, Chauca 0, Daquioag 0, Canaleta 0, Torralba 0.

QUARTERS: 14-24, 35-41, 66-53, 92-79

 

(Photo Credits by:Pba.ph)