Meralco laglag sa patibong vs Magnolia sa Game 1, 88-79

Meralco laglag sa patibong vs Magnolia sa Game 1, 88-79

Meralco laglag sa patibong vs Magnolia sa Game 1, 88-79
PBA

Meralco laglag sa patibong vs Magnolia sa Game 1, 88-79

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sumuong sa mapanganib na oportunidad sa kabila ng tadtad nang foul si Calvin Abueva sa kakarampot na sandali na naging daan para makaalpas ng Magnolia Ang Pambansang Manok kontra Meralco Bolts, 88-79 , Linggo sa pagsisimula ng kanilang duwelo sa PBA Philippine Cup semifinals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Kumaldag si Ian Sangalang ng 18 points at walong rebounds at sinakmal naman ni Paul Lee ang swabeng guard rotation ng Hotshots sa pagpisa ng 17 points. Maging si ageless wonder Rafi Reavis ay may near-double-double na 9 puntos at 10 rebounds.

Ngunit ang sinako ni Abueva na walo sa kanyang 13 points at hinila ang dalawang steals at ng assist sa kabila nang limang fouls sa huling bahagi ng aksiyon ang siyang naghasik ng malaking kaibahan sa Magnolia na iwasan muli ang kanilang eliminations fiasco sa kaparehong tropa at akuin ang unang panalo sa kanilang best-of-seven matchup.

"The way Calvin, nu'ng tumingin siya sa akin nu'ng fourth quarter, gustong-gusto niyang maglaro, eh. So sabi ko, bahala na basta ingatan lang niya," patungkol ni Hotshots coach Chito Victolero.
Iskor:
Magnolia 88 - Sangalang 18, Lee 17, Abueva 13, Jalalon 12, Barroca 11,Reavis 9, Dela Rosa 6, Dionisio 2, Brill 0, Corpuz 0, Melton 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

Meralco 79 - Quinto 14, Belo 11, Caram 11, Hugnatan 10, Almazan 9, Newsome 8, Hodge 7, Pinto 6, Maliksi 3, Jackson 0, Jose 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

Quarters: 22-17, 47-40, 61-64, 88-79.