Corporate wars tinadhana, Meralco nilubak ang NLEX, 7-86

Corporate wars tinadhana, Meralco nilubak ang NLEX, 7-86

Corporate wars tinadhana, Meralco nilubak ang NLEX, 7-86
PBA

Corporate wars tinadhana, Meralco nilubak ang NLEX, 7-86

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sumanib na rin ang 2nd top seed Meralco para sa 2021 PBA Philippine Cup Final Four, matapos warakin ang upset dream ng NLEX, 97-86 win Biyernes ng gabi sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Natali sa dikdikang salpukan Miyerkules, trumabaho ng husto ang Bolts para maibulid ang kalmadong distansiya at kumpletuhin ang mariing panalo diretso sa best-of-seven semifinals versus No. 3 Magnolia.

At lahat ng top four teams na umusad sa semis ay hindi nasalamin sa liga sa pitong nakalipas na komperensiya.

Ang isa pang semis pairing ay ang gabundok na banggaan sa pagitan ng top seed TNT Tropang Giga at No. 4 San Miguel Beer.

Pinakulo ni Chris Newsome ang 23 points, 9 rebounds at 6 six assists, sina Cliff Hodge at Anjo Caram ay may kinabig na tig- 16 markers habang nagdagdag si Reynel Hugnatan ng 11 para pamunuan ang Bolts sa ikalawang magkasunod na pagsampa sa semis sa all-Filipino tourney.

May kanya-kanyang ambag ang iba pang Meralco crew kung saan nailatag ng Bolts ang solidong serbisyo sa bawat dulo tungo sa pag -areglo ng pares ng corporate wars sa final 4.

Iskor:
Meralco 97 - Newsome 23, Hodge 16, Caram 16, Hugnatan 11, Quinto 9, Maliksi 8, Belo 7, Pinto 5, Almazan 2, Jackson 0, Jose 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

NLEX 86 - Trollano 19, Oftana 14, Quinahan 13, Cruz 11, Alas 10, Semerad 8, Soyud 4, Paniamogan 3, Miranda 2, Ighalo 2, Porter 0, Ayonayon 0, McAloney 0, Galanza 0.

Quarters: 22-21, 46-35, 68-60, 97-86.