Hotshots martsa sa F4, winalis ang Elasto Painters

Hotshots martsa sa F4, winalis ang Elasto Painters

Hotshots martsa sa F4, winalis ang Elasto Painters
PBA

Hotshots martsa sa F4, winalis ang Elasto Painters

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nakumpleto ng No. 3 Magnolia ang kanilang two-game sweep kontra No. 6 Rain or Shine, matapos irolyo ang 96-86 panalo para maabot ang PBA Philippine Cup Final Four sa Don Honorio Ventura State U Gym Huwebes ng gabi.

Namuno si Paul Lee sa kanyang 24 points, at Calvin Abueva (20 points at 19 rebounds) at Ian Sangalang (13 markers at 11 boards) sa pagdeliber ng double-double games kung saan inulit ng Hotshots ang kanilang 81-70 paglusaw sa Elasto Painters Linggo at maiguhit ang semis spot laban sa mananaig sa pagitan ng Meralco-NLEX matchup.

"Coach (Chito Victolero) was telling us kailangan focused lang. Ang goal namin sa elims eh No. 1 or No. 2, No. 3 ang ibinigay sa amin, pero wala kaming doubt kaya namin, kailangan lang mag-trabaho," sambit ni Abueva.

"Nakaraos kami sa quarters at tapos na ang semis (hunt). Baka naman makuha rin namin ang finals," aniya pa.

Nairampa ng do-it-all 6-foot-3 forward ang back-to-back Philippine Cup semis, na naisulong ang Final Four sa nakaraang bubble sa Phoenix Super LPG Fuel Masters na nakalaban din ng Magnolia Hotshots.
Iskor:

Magnolia 96 - Lee 24, Abueva 20, Jalalon 16, Sangalang 13, Barroca 8, Corpuz 5, Ahanmisi 3, Dela Rosa 3, Reavis 2, Pascual 1, Dionisio 1, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0.

Rain or Shine 86 - Yap 16, Nambatac 13, Mocon 9, Caracut 9, Wong 8Santillan 8, Belga 8, Asistyio 7, Norwood 3, Bortboran 3, Ponferada 2, Guinto 0, Johnson 0, Tolentino 0, Torres 0.

Quarters:28-17, 49-41, 71-69, 86-96.

(Photo Courtesy by:Pba.ph)