SMB dinispatsa ang NorthPort, entra sa semis vs TNT

SMB dinispatsa ang NorthPort, entra sa semis vs TNT

SMB dinispatsa ang NorthPort, entra sa semis vs TNT
PBA

SMB dinispatsa ang NorthPort, entra sa semis vs TNT

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Hindi na pinalagpas ng San Miguel Beer na makaporma ang NorthPort, Huwebes sa kanilang duwelo sa quarterfinals.
Sapat lang na inilatag ng Beermen ang kanilang taktika sa tamang oras para lagukin ang 100-95 panalo para makumpleto ang kanilang two-game sweep sa serye at selyuhan ang kanilang puwesto sa semifinals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Patuloy na gumawa ng marka si CJ Perez sa kanyang pinakaunang galawan sa playoffs sa pagtubog ng 21 points habang inatupag nina Mo Tautuaa, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo at Arwind Santos ang kanilang tungkulin sa SMB kasunod ng gabuhok na 88-87 ratsada sa best-of-three opener noong Linggo.

Susunod na tutumbukin ng Beermen sa best-of-seven semis ang TNT Tropang Giga, na unang dumiskaril sa nakaraang taong kampeon - ang Barangay Ginebra.

Ang panalo ay siyang nakatulong ding mabura ng SMB ang mapait na alaala noong nakalipas na taon, nang hindi makapasok sa quarterfinals at matanggalan ng korona na kanilang kinadena sa loob ng limang magkasunod na taon.

Iskor:

SMB 100 - Perez 21, Tautuaa 17, Lasiter 15, Fajardo 12, Ross 11, Romeo 11, Santos 11, Cabagnot 2, Zamar 0, Pessumal 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

NorthPort 95 - Slaughter 27, Malonzo 17, Onwubere 14, Bolick 12, Taha 9, Balanza 8, Rike 5, Doliguez 3, Subido 0, Elorde 0, Anthony 0, Lanete 0, Grey 0, Faundo 0, Ferrer 0.

Quarters: 17-19, 46-39, 74-66, 100-95

(Photo Courtesy by:Pba.ph)