No. 1 TNT ididispatsa ang Ginebra; Meralco pokus sa semis vs NLEX

No. 1 TNT ididispatsa ang Ginebra; Meralco pokus sa semis vs NLEX

No. 1 TNT ididispatsa ang Ginebra; Meralco pokus sa semis vs NLEX
PBA

No. 1 TNT ididispatsa ang Ginebra; Meralco pokus sa semis vs NLEX

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Games Wednesday

(DHVSU Gym, Bacolor)

3 p.m. — Meralco vs NLEX

6 p.m. — TNT vs Ginebra

Target ng twice-to-beat TNT at Meralco ang mailuklok ang kanilang tropa sa semifinals laban sa mga koponang asam na makapuslit sa kanilang kampanya Miyerkules sa PBA Philippine Cup quarterfinals sa Don Honorio Ventura State University, Bacolor, Pampanga.

Hangad ng Meralco na magiba ang NLEX para sa ikalawang sunod na Miyerkules sa pang alas tres na unang laro bago ang salpukan sa pagitan ng TNT at defending champion Barangay Ginebra San Miguel, alas sais ng gabi.

Kailangan ng dalawang koponan ang isang panalo para makasampa sa best-of-seven semis laban sa kanilang oposisyon na kailangang talunin sila ng dalawang beses kung nais nitong makasilat.

Sa TNT, babagtasin nila ang unang korona buhat noon pang 2015 Commissioner’s Cup at susuungin ang Ginebra, ang talentadong tropa na dumanas ng hirap para iwasan lang na maagang umiksit sa kasagsagan ng elimination rounds.

Nanguna ang Tropang Giga sa elims sa kanilang 10-1 baraha kasama na ang 88-67 talo ng Ginebra noong Sept. 12.

Si rookie Mikey Williams, ikalawa sa Best Player of the Conference race, ay isa sa pangunahing armas ni coach Chot Reyes para sa target na matambangan muli ang Gin Kings, gayundin nina RR Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Kib Montalbo at Kelly Williams.

Limitado ang naging produksiyon ni Jayson Castro sa elims, pero may kakayahang umalma sa puwersahang labang inaasahan sa kanya ng fans.

Kapalaran ng Ginebra na harapin ang koponang kanilang tinalo noong nakaraang Philippine Cup crown matapos mahugot ang pangwalo at huling puwesto sa quarters sa bisa ng 95-85 panalo kontra Phoenix Super LPG noong Sept. 25.