Kings dinispatsa ang Fuel Masters sa playoff, hagip ang huling silya!

Kings dinispatsa ang Fuel Masters sa playoff, hagip ang huling silya!

Kings dinispatsa ang Fuel Masters sa playoff, hagip ang huling silya!
PBA

Kings dinispatsa ang Fuel Masters sa playoff, hagip ang huling silya!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nakapuslit ng enerhiya mula sa NorthPort noong Huwebes, nagawang imolde ng Barangay Ginebra amg panibagong angas sa PBA Philippine Cup playoffs.

Sa duwelong karagan ng mga tropa, nilango ng Gin Kings ang Phoenix Super LPG Fuel Masters, 95-85 panalo para maisalba ang huling upuan sa quarterfinals sa knockout face-off sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga, Sabado ng gabi.

Walang presensiya ang injury-hit na sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson, praktikal na umangat ang Kings mula sa kawalan at hanguin ang karapatang makalaro sa top seed TNT Tropang Giga sa Final Eight.

Bilang pangwalo, kinakailangan ng Ginebra, na manaig ng isa buhat sa dalawang magkasunod sa TNT para makausad sa Final Four ng liga na naipanalo ng Kings sa AUF Gym sa Angeles, Pampanga noong nakaraang taon.

Mahusay na trumabaho si second-string center Prince Caperal para punan ang posisyon ni Aguilar, na humalibas ng 19 points at 4 rebounds para tulungan ang Ginebra na maagaw ang huling silya sa playoffs, at sumama sa TNT, Meralco, Magnolia, San Miguel Beer, NorthPort, Rain or Shine at NLEX para sa quarterfinals.