Paul Lee umiskor ng 32 points, Hotshots hinalibas ang Beermen, 100-90
PBA

Paul Lee umiskor ng 32 points, Hotshots hinalibas ang Beermen, 100-90

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inareglo ni Paul Lee ang pamatay na bomba tungo sa pagpatumba ng Magnolia kontra San Miguel Beer, 100-90, tungo da matibay na paggapos sa ikatlong puwesto na may tsansa sa No. 2 - sa 46th PBA Philippine Cup, Linggo sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pumutok si Lee ng 32 puntos, 18 ay sa fourth quarter kung saan todo ratsada ang Hotshots sa armada ng Beermen sa 34-25 palitan.

Tinapos ni Lee at katropa ang elimination sa 8-3 win-loss card at maiukit ang two-way fight sa walang aksiyong Meralco (7-2) para sa second seed at twice-to-beat advantage sa playoffs.

Ang Bolts, gayunman ay natalo sa kanilang huling dalawang asignatura na nakaatas para sa Magnolia na makuha ang mas mataas na puwesto.

"Pinag-usapan namin, itong game na ito is in our hands, kumbaga kontrolado namin. But the games of other teams are out of our control," sambit Magnolia coach Chito Victolero.

Iskor:

Magnolia 100 - Lee 32, Sangalang 15, Ahanmisi 11, Barroca 9, Abueva 8, Dionisio 8, Pascual 7, Corpuz 4, Reavis 4, Jalalon 2, Brill 0, De Leon 0, Dela Rosa 0.

San Miguel 90 - Perez 20, Santos 18, Pessumal 13, Lassiter 13, Zamar 9, Fajardo 8, Tautuaa 5, Ross 4, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

Quarterscores: 25-14, 47-39, 66-65, 100-90.

(Photo Courtesy by:Pba.ph