Tropang Giga sinunog ang Aces,tinapos ang elims sa 10-1

Tropang Giga sinunog ang Aces,tinapos ang elims sa 10-1

Tropang Giga sinunog ang Aces, tinapos ang elims sa 10-1
PBA

Tropang Giga sinunog ang Aces,tinapos ang elims sa 10-1

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Bagamat tiniyak na ang top seeding sa playoffs, plakado ang TNT Tropang Giga sa final game elimination round at pagulungin ang Alaska Milk Aces, 103-85, Sabado sa Don Honorio Ventura State U Gym.

Todo seryoso sa laro, hinugot ng Tropang Giga ang dominanteng panalo para isara ang 46th PBA Philippine Cup elims sa 10-1 win-loss card.

Dalawang laro sa loob lang din ng dalawang gabi, hindi nagawang makasabay ng Aces sa Tropang Giga at malaglag sa 3-5.

Ang matindi pa muling mapapasabak ang TNT para sa ikatlong sunod na laro versus Terrafirma Dyip, Linggo.

Nagpaputok sina RR Pogoy, Mikey Williams, Ryan Reyes, Jay Alejandro, Poy Erram at Kelly Williams ng tinatayang tig- dalawang tres kung saan ipinamalas ng TNT ang pagiging kamador pausad sa playoffs.

Iskor:

TNT 103 - Pogoy 18, Erram 17, M. Williams 12, Williams 12, Alejandro 11, Reyes 9, Marcelo 7, Rosario 5, Exciminiano 3, Mendoza 3, Heruela 2, Castro 2, Javier 2, Khobuntin 0, Montalbo 0.

Alaska 85 - Tratter 12, Casio 11, Marcelino 9, Banal 9, Digregorio 8, Brondial 8, Browne 7, Herndon 5, Ahanmisi 5, Adamos 4, Teng 4, Ebona 3, Ilagan 0, Stockton 0, Publico 0.

Quarters: 22-15, 49-37,68-56, 103-85

 

(Photo Courtesy by:Pba.ph)