TNT dinomina ang Ginebra, pinaigting ang quarterfinal slot

TNT dinomina ang Ginebra, pinaigting ang quarterfinal slot

TNT dinomina ang Ginebra, pinaigting ang quarterfinal slot
PBA

TNT dinomina ang Ginebra, pinaigting ang quarterfinal slot

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nagawang ipahiya ng league -leading TNT ang defending champion Barangay Ginebra matapos idiin ang 88-67 panalo sa kanilang titanic showdown sa 46th PBA Philippine Cup,Linggo sa Bacolor, Pampanga.

Sa liderato nina guards Mikey Williams at Jayson Castro, iginapos ng Tropang Giga ang Gin Kings at maiukit ang dikdikang salpukan sa pagitan ng 2020 All-Filipino finals protagonists sa isang one-sided affair.

Kinando ang quarterfinal-entry, isinampa ng TNT ang kanilang baraha sa 8-1 habang higit pang dinistansiya ang sarili at sa pinakamalapit nilang tagausig para sa Top 2.

Tagos na ipinakilala ng rookie na si Williams ang sarili sa TNT-Ginebra rivalry sa paggatilyo ng 27 points, pinitas and 10 sa unang kanto, kung saan umiskapo ang Tropang Giga sa maagang 2-8 deficit para itusok ang 20-16 lead.

Si Castro, na scoreless sa kanilang huling laro, ay bumawi ng 14, kabilang na ang sampu sa ikalawang yugto, kung saan pinilas ng TNT ang 25-16 ratsada para lumayo sa 45-32.

Iskor:

TNT 88 - M. Williams 27, Castro 14, Rosario 14, Pogoy 13, K. Williams 7, Montalbo 5, Marcelo 4, Erram 2, Exciminiano 2, Reyes 0, Heruela 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.

Ginebra 67 - Aguilar 18, Standhardinger 14, Thompson 13, Pringle 12, Mariano 6, Caperal 2, Ayaay 2, Dillinger 0, Salado 0, Tenorio 0, Devance 0.

Quarterscores: 20-16, 45-32, 62-52, 88-67.