Romeo sumalansan ng 29, Beermen winarak ang Gin Kings, 111-102

Romeo sumalansan ng 29, Beermen winarak ang Gin Kings, 111-102

Romeo sumalansan ng 29, Beermen winarak ang Gin Kings, 111-102
PBA

Romeo sumalansan ng 29, Beermen winarak ang Gin Kings, 111-102

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sinibasib ni Terrence Romeo ang panibagong nagliliyab na atake sa pagbatak ng 29 points, lahat na kabilang ang huling 11 ng San Miguel, tungo sa pagratrat ng Beermen sa Barangay Ginebra Kings, 111-102, at somosyo sa ikalawang posisyon sa PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym, Biyernes ng gabi.

Si Romeo na ang bumangka at trumabaho ng todo para masundan ng Beermen ang kanilang 83-67 pagsaltik kontra TNT, sa loob ng 48 oras at sumabay sa walang larong Meralco, 5-2.

Sumalang din sina Marcio Lassiter, Arwind Santos, Chris Ross at June Mar Fajardo sa kaagahan ng aksiyon bagupaman personal na humalibas si Romeo at itaboy ang Ginebra sa kanilang huling hirit sa papaupos na sandali.

Sumagad ang Kings buhat sa maagang 19-point pagkalugmok pero kinapos na maisalba ang laban. Laglag sila ngayon sa ikapitong posisyon, 3-4.

"Going to the semi-bubble, we prepared hard for the big games especially against TNT and Ginebra. There's no other way, and I'm so happy we're able to get past them," sambit ni San Miguel coach Leo Austria.

Iskor:

SMB 111--Romeo 29, Lassiter 19, Santos 15, Perez 14, Ross 13, Fajardo 10, Tautuaa 8, Pessumal 3, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

Ginebra 102 - Tenorio 19, Standhardinger 18, Pringle 16, Aguilar 15, Thompson 13, Tolentino 8, Caperal 8, Mariano 3, Devance 2, Dillinger 0, Salado 0, Enriquez 0, R. Aguilar 0, Holmqvist 0, Ayaay 0.

Quarters:28-22, 56-48, 82-74, 111-102.

 

(Photo Courtesy by: Pba.ph)