Lassiter, Romeo umalsa nang tungkabin ng SMB ang TNT, 83-67!

Lassiter, Romeo umalsa nang tungkabin ng SMB ang TNT, 83-67!

Lassiter, Romeo umalsa nang tungkabin ng SMB ang TNT, 83-67!
PBA

Lassiter, Romeo umalsa nang tungkabin ng SMB ang TNT, 83-67!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Olats sila sa walang talong oposisyon sa nakaraan pero ngayon pinataob ng San Miguel Beer ang undefeated rival.

Sanglinggo matapos mahulog sa mga kamay ng Terrafirma, nag-aalab na rumesbak ang Beermen at pinatumba ang dating walang bahid na TNT, 83-67, Miyerkules sa PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Lumabas sa lungga ang Beermen na nagpupuyos at kinuyog ang maagang kaungusan 18-2 mula sa mga maiinit na kamay nina Terrence Romeo at Marcio Lassiter.

Si Coach Leo Austria at kanyang mga determinadong alipores ay umarangkada hanggang sa huli para kumpletuhin ang kanilang pagbabalik mula sa 104-110 overtime shocker sa Dyip noong Miyerkules.

Naareglo ng SMB ang kanilang 4-2 baraha pausad sa Top 3 teams TNT (6-1), Magnolia (6-2) at Meralco (5-2).

The Scores:

San Miguel 83 - Lassiter 19, Romeo 16, Tautuaa 13, Perez 13, Santos 9, Fajardo 8, Ross 3, Zamar 2, Pessumal 0, Gamalinda 0.

TNT 67 - Montalbo 13, Heruela 10, Pogoy 10, Rosario 9, M. Williams 7, Alejandro 7, Erram 5, Marcelo 3, Mendoza 2, Castro 1, Exciminiano 0, Reyes 0, K. Williams 0.

Quarterscores: 24-10, 43-30, 64-44, 83-67.

 

(Photo Courtesy by:Pba.ph)