Juami Tiongson ang Cignal Play-PBAPC Player of the Week

Juami Tiongson ang Cignal Play-PBAPC Player of the Week

Juami Tiongson ang Cignal Play-PBAPC Player of the Week
PBA

Juami Tiongson ang Cignal Play-PBAPC Player of the Week

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Mula nang desperadong masilip ng Terrafirma ang kanilang momentum sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup, natagpuan ng tropa ang kanilang kalakasan kay Juami Tiongson at personal na binitbit ang Dyip sa kanyang maiinit na kamay para pangunahan ang paglalagablab sa Bacolor bubble.

Binigkis ni Tiongson ang pagdakot sa kanyang career-best performances sa pagbabalik ng liga matapos ang buwang pagkakatengga nang dinapuan ng alas ang Dyip sa pagbiyahe ng tatlong sunod na panalo, kasama na ang dambuhalang pagsilat laban sa former five-time titlist San Miguel Beer at reigning champion Barangay Ginebra.

Sa tatlong panalo ng Terrafirma, nag-average ang 5-foot-10 guard ng 23.0 points na pinutukan ng 15 tres sa likod ng high 50-percent clip, kadaop ang 5.3 assists, 3.0. rebounds, at 2.0 steals, para akuin niya ang Cignal Play - PBA Press Corps Player of the Week para sa petsang Sept. 1-5.

Sa absensiya ni prized rookie Joshua Munzon sa conference sanhi nang nadislokang daliri, ang walang takot na si Tiongson ang humalili at batuhin ang career-high 28 points at pitong assists buhat sa 114-110 overtime escape act ng tropa kontra SMB.

Hindi nanlamig si Tiongson dalawang araw ang makalipas nang imarka ang kanyang career-best na 31 markers, sinaniban ng 9 triples, 6 assists, at 3 steals nang sagasaan ng Dyip ang isa pang defending champion Kings, 95-90

Nalimitahan siya sa 10-3-3- outing sa sumunod na laro, ngunit sapat na para makahugot pa rin ng panalo ang Terrafirma sa bisa ng 96-84 comeback win vs. Blackwater, para sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay at dalhin ang 3-4 overall para sa solo pampitong puwesto.