Terrafirma umiskor ng 3-0 straight win, pinisak ang Blackwater, 96-84

Terrafirma umiskor ng 3-0 straight win, pinisak ang Blackwater, 96-84

Terrafirma umiskor ng 3-0 straight win, pinisak ang Blackwater, 96-84
PBA

Terrafirma umiskor ng 3-0 straight win, pinisak ang Blackwater, 96-84

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Lumamig man sa huli ang atake ni Juami Tiongson, nabalagbag pa rin ng Terrafirma ang Blackwater 96-84, Linggo para ipanatili ang kanilang panalo sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nakaldag lang ni Tiongson ang 10 points, 19.5 mababa sa kanyang average sa huling dalawang laro, pero ang tulad nina Aldrech Ramos at Reden Celda ang nanguna pang player sa Dyip na namutawi at siniguradong lulutang sila mula sa unang linggo ng semi-bubble setup sa pagbuo ng ikatlong sunod na panalo at 3-4 baraha overall.

Binugbog ni Ramos ang game-high 17 points at nine rebounds habang si Celda ay may personal conference-best na 15 points sa ibabaw ng 6 boards at four assists habang ibinida ng Terrafirma ang ibayong fourth quarter barrage na siyang bumasag sa tangkang resbak ng Blackwater.

Maging si Andreas Cahilig ay naghatag ng 12 points at 11 rebounds, lima dito ay sa opensiba, habang si Rashawn McCarthy ay nagdagdag ng 10 points at four dimes.

Aprubado kay Dyip coach Johnedel Cardel ang atake ng kanyang mga alipores at napirmi ang kanilang postura at patuloy na mapanatili bilang isang tropa sa kabila nang natabunan ng 13 puntos sa kaagahan ng aksiyon.(LP/PBA)

 

Blackwater 84 - Tolomia 14, Enciso 13, Daquioag 12, Amer 11, Desiderio 11, Nabong 8, Cruz 4, Golla 3, Torralba 3, Dennison 2, Magat 2, Escoto 1, Paras 0, Semerad 0, Canaleta 0.

Quarters: 22-16, 43-39, 65-65, 96-84

(Photo Courtesy by:Pba.ph)