Tiongson nagpasiklab,Terrafirma sinorpresa ang SMB sa OT, 110-104

Tiongson nagpasiklab,Terrafirma sinorpresa ang SMB sa OT, 110-104

Tiongson nagpasiklab,Terrafirma sinorpresa ang SMB sa OT, 110-104
PBA

Tiongson nagpasiklab,Terrafirma sinorpresa ang SMB sa OT, 110-104

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inako ni Juami Tiongson ang pagkamada ng mga puntos para sa Terrafirma na puspos ng injury tungo sa pagratsada ng Dyip na kabigin ang 110-104 overtime pagsilat sa San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup, Miyerkules sa Don Honorio Ventura State U Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pumitik si Tiongson ng career-high 28 points sa 10-of-41 marksmanship (47.6 percent), na sumalansan sa malaking arangkadahan na naging sandalan ng Dyip na makaresbak mula sa 16-point deficit sa fourth at nanindigan sa ekstrang minuto.

Tumaktak ng 10 ang 30-year-old sniper sa fourth period, kabilang na ang game-tying jumper, at nagdagdag ng lima sa OT kinasihan ng dumadagubdong na tres na naghatag sa Terrafirma nh 104-100 bentahe diretso sa hulinh dalawang minuto.

Si Tiongson, na tumurok ng four-of-nine mula sa arko at may pitong assists at tatlong steals sa halos 40 minuto sa aksiyon, ang humabi ng kredito sa tropa.

"Everyone stepped up - from the players to the coaching staff," aniya.

The Scores:

Terrafirma 110 - Tiongson 28, Ramos 17, Camson 13, Gabayni 11, McCarthy 10, Cahilig 9, Ganuelas-Rosser 7, Celda 6, Batiller 5, Laput 4, Calvo 0.

San Miguel 104 - Romeo 28, Santos 19, Fajardo 18, Tautuaa 11, Ross 10, Perez 10, Lassiter 5, Gotladera 3, Pessumal 0, Zamar 0, Gamalinda 0.

Quarterscores: 19-16, 42-40, 61-75, 95-95, 110-104.

(Photo Courtsey by: Pba.ph)