Standhardinger sinalba ang Ginebra Kings para itumba ang NorthPort Batang Pier,87-85!

Standhardinger sinalba ang Ginebra Kings para itumba ang NorthPort Batang Pier,87-85!

Standhardinger sinalba ang Ginebra Kings para itumba ang NorthPort Batang Pier,87-85!
PBA

Standhardinger sinalba ang Ginebra Kings para itumba ang NorthPort Batang Pier,87-85!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Higit na namutawi ang lakas ni Ginebra Kings Christian Standhardinger kesa sa bravado ni Greg Slaughter ng NorthPort sa kanilang unang matchup mula nang kanilang one-on-one trade.

At dito'y siniguro ni Standhardinger na tuldukan nang alugin ang winning basket sa gahiblang 87-85 win Biyernes ng gabi sa 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Sinalo ni Fil-German bruiser ang airball attempt ni Stanley Pringle at pinuslit sa kanilang kuwadra sa pagtunog ng buzzer, para iselyo ng Ginebra (2-2) ang maigting na panalo kontra sa kanyang dating tropa, (1-3).

Ang gabuhok na winning points ni Standhardinger ay naisakatuparan sa mahigpit na depensiba na dating naisalya ng kanyang Twin Tower partner, Japeth Aguilar, na nilambat ng todo si NorthPort rookie Jamie Malonzo tungo sa paghulagpos ng panalo.

"When Malonzo was on that breakaway layup, it looked pretty bleak, that we're gonna lose that game. But Japeth hustled down and blocked the shot," bulalas ng nahimasmasang coach Tim Cone.

The Scores:

Ginebra 87 - Pringle 24, Tenorio 20, J.Aguilar 15, Standhardinger 13, Dillinger 5, Thompson 5, Caperal 5, Chan 0, Enriquez 0, Tolentino 0, Ayaay 0.

Northport 85- Bolick 23, Slaughter 16, Balanza 14, Anthony 11, Malonzo 9, Onwubere 8, Grey 2, Rike 2, Doliguez 0, Elorde 0.

Quarterscores: 16-22, 42-51, 61-63, 87-85.