Fajardo, Santos lumagok ng doble-doble para sa 3rd straight win ng Beermen

Fajardo, Santos lumagok ng doble-doble para sa 3rd straight win ng Beermen

Fajardo, Santos lumagok ng doble-doble para sa 3rd straight win ng Beermen
PBA

Fajardo, Santos lumagok ng doble-doble para sa 3rd straight win ng Beermen

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ganado ang San Miguel Beer na siluin ang momentum hanggang dulo at ito'y naimarka na nitong Miyerkules nang tabigin ang Blackwater Bossing, 99-80, sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Itinurok nina June Mar Fajardo at Arwind Santos ang doble doble pigura sa kanilang 16 points, 11 rebounds at 10 baskets, at 12 kalawit at limang assists ayon sa pagkakasunod tungo sa paglista ng ikatlong sunod na panalo ng Beermen sa apat na asignatura.

Sasabak ang tropa sa linggo kontra Ginebra.

Nag-paulan si Simon Enciso ng game-high 25 points sa pagpusil ng pitong three-pointers, pero hindi nakaagapay ang Blackwater sa second quarter at tuluyang namnamin ang ikaapat na sunod na talo para dumapa sa ilalim ng standings.

Sa kabila nang nakapagposte ang kanyang koponan ng dalawang 25-point pasabog sa huling kanto bago nakatawid sa wire-to-wire win, nasustena ni SMB coach Leo Austria na habigin ang tagumpay bagamat hindi madaling naisakatuparan.

 

The scores:

San Miguel 99 - Fajardo 16, Perez 14, Lassiter 13, Cabagnot 12, Zamar 11, Pessumal 10, Santos 10, Ross 5, Gotladera 2, Comboy 2, Gamalinda 2, Tautuaa 2, Romeo 0, Sena 0.

Blackwater 80 - Enciso 25, Tolomia 12, Nabong 12, Daquioag 9, Desiderio 5, Escoto 5, Canaleta 4, Amer 4, Magat 2, Acuno 2, Paras 0, Semerad 0, Gabriel 0, Dennison 0, Torralba 0.

Quarterscores: 20-11, 39-38, 69-53, 99-80.