Hotshots pinaluhod ang Kings para somosyo sa unahan,3-0

Hotshots pinaluhod ang Kings para somosyo sa unahan,3-0

Hotshots pinaluhod ang Kings para somosyo sa unahan,3-0
PBA

Hotshots pinaluhod ang Kings para somosyo sa unahan,3-0

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nailimbag ng Magnolia ang ikatlong sunod na panalo sa PBA Philippine Cup para sumosyo aa liderato nang languin ang karibal na Barangay Ginebra, Linggo sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Muling umasa ang Hotshots sa subok nang tambalang Paul Lee at Ian Sangalang para pigilin ang makisig na o endgame comeback ng defending champions, 89-79, sa unang Manila Classico showdown sa season.

Umiskor ng walong puntos sina Lee at Sangalang para sa huling 10 baskets ng tropa kung saan inaniban nila ng clutch plays na nagpapirmi sa Hotshots na makakapit ng todo sa pilyong resbak ng Kings mula sa third quarter deficit.

Nagtapos ng 22 puntos ang 32-anyos na si Lee at may anim na hatag sa huling yugto, habang nagdagdag si Sangalang ng 17 sa panalong nagpanatili sa perpektong kartada ng Hotshots, kasalo ang pahingang Rain or Shine sa itaas ng standings.