Nagpasikat si CJ Perez para sa San Miguel Beer tungo sa pagpalubog kontra NLEX, 110-93 panalo Biyernes ng gabi sa 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena, Siyudad ng Pasig.
Si Perez, matingkad na hinugot ng Beermen sa off-season, ay nagpasabog ng 21 nang kanyang iangkorahe ang kawalan nang injured guard na si Terrence Romeo at maikargang itulak ang SMB sa inisyal na panalo sa 2021 matapos malango sa 87-93 season debut loss laban sa Meralco.
Ginatilyo ng two-time PBA scoring champion ang trese puntos sa ikalawang kanto kabilang na ang back-to-back triples na nagpabatak sa bentahe ng Beermen sa 22, 56-34.
Pero isang ulo pa lang si Perez sa mandamyentong ratsada ng SMB.
Si six-time MVP June Mar Fajardo, na nasa ikalawang paglalaro pa lamang buhat nang halos isang taong pamamahinga dulot ng fractured shin, ay dumilebee ng 14-10 double-double S 24 minuto.
Bumirada si Alex Cabagnot nh 17, si Mo Tautuaa ay nagpasabog ng 16 plus nine rebounds, Marcio Lassiter ay may 14 at Von Pessumal ay naghatag ng 10 na nagsanib-puwersa para maitungga ang laban kahit wala si Romeo na may knee injury.
The Scores:
San Miguel 110 - Perez 21, Cabagnot 17, Tautuaa 16, Lassiter 14, Fajardo 14, Pessumal 10, Santos 9, Zamar 4, Ross 3, Gamalinda 2, Gotladera 0, Comboy 0.
NLEX 93 - Alas 20, Ravena 16, Soyud 15, , Quinahan 9, Paniamogan 8, Oftana 7, Miranda 5, Semerad 5, Cruz 3, Trollano 3, Porter 2, McAloney 0, Ayonayon 0.
Quarterscores : 32-22, 61-44, 88-67, 110-93.