Buzzer beater ni Sangalang nagsalba sa Magnolia versus Alaska, 84-82

Buzzer beater ni Sangalang nagsalba sa Magnolia versus Alaska, 84-82

Buzzer beater ni Sangalang nagsalba sa Magnolia versus Alaska, 84-82
PBA

Buzzer beater ni Sangalang nagsalba sa Magnolia versus Alaska, 84-82

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Pumukol si Ian Sangalang ng 26 points, kabilang na ang pinagpalang marginal basket, para itakas ng Magnolia ang makalaglag-silyang 84-82 panalo kontra Alaska at gawing makasosyo sa liderato sa nagpapatuloy na 46th PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Siyudad ng Pasig.

Swabeng nahugot ni Sangalang ang perpektong pasa mula kay Paul Lee at diretsong naitarak ang pamatay na basket para selyuhan ng Hotshots amg kanilang ikalawang sunod na panalo at makaparte sa top spot kasama ng walang sked na Meralco Bolts at Rain or Shine.

Dapa ang Aces sa 1-1.

"We knew this was not going to be an easy game, we will have to sweat it out," sambit ni Magnolia coach Chito Victolero.

Bahagi ng kanilang pagkumahog ay ang katiting na paghahanda sa nasabing laro.

Kalaban sana ng Hotshots ang TNT at Aces na haharapin ang Terrafirma pero dahil sa health at safety protocols, ang naturang mga hostilidad ay ipinagpaliban noong nakaraang Martes lang. Sa halip ang Alaska at Magnolia ang nagsagupa sa isa't isa sa iba pang bagong iskedyul.

"We had to commit to this because it's hard, we only had one day of preparation, so we need to adjust right away. That short preparation shouldn't be an excuse though, and I told the team to do hard work," sabi ni Victolero.(LP/PBA)

 

The Scores:

Magnolia 84 - Sangalang 26, Lee 16, Dela Rosa 12, Barroca 10, Abueva 9, Dionisio 5, Jalalon 4, Corpuz 2, Reavis 0, J. Ahanmisi 0.

Alaska 82- Taha 20, Teng 10, Tratter 10, Banal 9, Herndon 8, Casio 7, Adamos 6, DiGregorio 6, Brondial 3, M. Ahanmisi 3, Browne 0.
Quarterscores : 26-25, 41-47, 65-66, 84-82