Nagawang rumesbak ng Northport sa ibang taktika at wasakin ng Batang Pier ang arsenal ng Phoenix Super LPG, 115-79, Miyerkules sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Siyudad ng Pasig.
Tuluyang hinimas ang dinanas na partial ACL tear na nagpagarahe sa kanya sa nakaraang taong Philippine Cup bubble, kumarga si Robert Bolick ng 20 points at 11 assists tungo sa pag- ahon ng NorthPort buhat sa 63-85 kabiguan kontra Meralco noong opening day, Biyernes.
Markado rin ang naging galaw nina Sydney Onwubere, Paolo Taha at Jamie Malonzo para punan ang kawalan ni Greg Slaughter, na dalawang sunod na wala sa aksiyon at Sean Anthony, na nagpapagaling sa sakit ng kaliwang tuhod.
Si Bolick, na wala sa 2020 Philippine Cup bubble at tuluyang gumaling na sa partially torn ACL, at coach Pido Jarencio, na balik na sa wisyo ang laro ng kanilang tropa.
"Sabi nga ni coach Pido, hindi namin kaya kung offense-to-offense lang," related Bolick, who added seven rebounds while shooting 3-of-5 from beyond the arc.(LP/PBA)
The scores:
NorthPort 115 -- Bolick 20, Rike 20, Ferrer 20, Malonzo 15, Onwubere 15, Taha 12, Elorde 6, Faundo 4, Balanza 3, Subido 0, Doliguez 0, Lanete 0, Grey 0.
Phoenix 79 - Manuel 26, Wright 15, Perkins 12, Jazul 8, Garcia 6, Melecio 4, Pascual 2, Demusis 2, Chua 2, Rios 2, Faundo 0, Muyang 0, Calisaan 0, Napoles 0.
Quarters: 22-18, 50-31, 79-51, 115-79