Black, Newsome kargada ng Meralco!

Black, Newsome kargada ng Meralco!

Black, Newsome kargada ng Meralco!
PBA

Black, Newsome kargada ng Meralco!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Naitala ng Meralco Bolts, ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2021 PBA Philippine Cup, nang ratratin ang San Miguel, 93-87, Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahit pa bumalik na ang higanteng si June Mar Fajardo at Terrence Romeo at buenamanong laro ni CJ Perez sa Beermen.

Pumasada sa tropa ni ni coach Norman Black ang tiyempong outside shooting nina Aaron Black at Chris Newsome na nagpasiklab at gumatong sa endgame attack ng Bolts para lusawin ang Beermen at maiposte ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa liga.

"So maybe it is to our advantage to face them this early before they can actually get into great shape and get their momentum going," ani coach Black.

Hindi maikakailang ang Meralco ay humantong sa maalab na paglalaro at tunay na palaban nang burahin nila ang maagang 11-point deficit bago ang pagragasa ng SMB, 57-72 count para idikit sa 77-79, may 5:29 ang nalalabi.(LP/PBA)

The scores:

Meralco 93 – Newsome 17, Black 14, Hugnatan 13, Pinto 11, Quinto 7, Maliksi 7, Pasaol 7, Belo 7, Hodge 4, Almazan 4, Jackson 0.

San Miguel 87 – Romeo 18, Tautuaa 17, Perez 17, Lassiter 11, Santos 8, Ross 5, Fajardo 5, Cabagnot 4, Gotladera 2, Pessumal 0.

Quarters: 18-25; 42-41; 74-59; 93-87.