Kampeon ang Ginebra, winakasan ang pagkauhaw sa All Pinoy tourney
PBA

Kampeon ang Ginebra, winakasan ang pagkauhaw sa All Pinoy tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City --Tinuldukan at winakasan na ng Barangay Ginebra ang dalawang-buwang PBA bubble play Miyerkules, at lagukin ang korona sa 2020 Philippine Cup sa pagtungkab sa maangas na TNT Tropang Giga, 82-78, sa Smart 5G-powered AUF Sports Center.
 
 
Pinantayan ni Japeth Aguilar ang kanyang career-high (32 points), humalibas si Stanley Pringle sa krusyal na pitada at muling pasiklab si  LA Tenorio sa kanyang brilyong ratsada para tapusin ng Kings ang 13-anyos na tagtuyot sa pinakaprestihiyosong torneo ng liga.
 
Binalya ng todo ng matinik na oposisyon ang buong gabi, nangunyapit naman at hindi nagpatinag ang Ginebra sa huli, sa pagsanib puwersa nina  Pringle, Aguilar at Tenorio para selyuhan ang trompa ng prangkisa ng Kings. 
 
Umiskor ang Kings ng doble pasada sa 2020 kung saan sinilo ang bubble glory para sundan ang kanilang Governors' Cup title run na makumpleto sa Enero.
 
Ito ang unang back-to-back para sa prangkisa matapos ang kanilang panalo sa 2004 Fiesta Conference at kasunod na Philippine Cup.
 
Sa kanyang krusyal na  playmaking sa kanilang panalo sa  Games 1, 4 at 5, nadale ni Tenorio ang PBA Press Corps Honda Finals MVP award.
 
"Championship lang ang wish ko kay God, binigyan pa ako ng bonus," sambit ni  Tenorio.
 
"When this thing started, LA was in the hospital, we still don't have Japeth and Greg (Slaughter) was out. We don't have much expectation and we're saying 'can we make the playoffs?'" hayag ni Ginebra coach Tim Cone.
 
"But credit to our guys. They just kept on working, working and working, and found a way to win it. I'm proud of them," ani Cone, ang bemedaled coach na maipanalo ang unang  all-Filipino crown sa Ginebra.
 
Ito ang ika-13 pangkalahatan para sa w
Ginebra franchise at 23rd lahat para kay Cone. (LP/PBA)
 
Photo courtesy - PBA.PH
 
The Scores:
 
GINEBRA 82 - Aguilar 32, Pringle 13, Tenorio 10, Dillinger 8, Thompson 6, Mariano 5, Devance 2, Caperal 3, Chan 3, Tolentino 0.
 
TNT 78 - Pogoy 23, Erram 18, Enciso 17, Rosario 12, De Leon 6, Vosotros 2, Washington 0, Montalbo 0, Reyes 0, Carey 0.
 
Quarters: 19-19; 38-36; 55-56; 82-78.