G3: Tropang Giga tinapyasan ng panalo ang GinKings, 1-2!
PBA

G3: Tropang Giga tinapyasan ng panalo ang GinKings, 1-2!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City -Nakatapyas din ng tyansa ang TNT Tropang Giga para akuin ang Game 3 sa serye ng best of seven finals kontra Barangay Ginebra, nang ikayod ang gabundok na 88-67 panalo sa PBA Philippine Cup sa AUF Sports Center Powered by Smart 5G, Bjyernes sa Angeles City, Pampanga.

Pasabog ng todo si Troy Rosario at kanyang tropa sa magkabilang dulo, para lasingin ang Kings sa kanilang pinakalugmok na scoring sa giyera sa finals sa ilalim ng mandato ni coach Tim Cone matapos na hindi pumayag ang TNT na dumapa sa kumunoy ng 0-3 sa race-to-four series.

Sa halip ang Tropang Giga ay nakahugot ng tiyempo para sa equalizer sa Game Four, Linggo.

Binawi ni Rosario ang kanyang personal na kawalan at pamunuan ang sundalo ng TNT players para humarurot sa kabila nang pagsasantabi ni injury-hit wing guy Bobby Ray Parks Jr.

"(The key was playing with a) sense of urgency. Mahirap isipin 0-2 down kami. Kailangan fight to win at lumabas naman ito sa laro namin," sambit ni Rosario.

Nangunang namitas si RR Pogoy sa pagbuslo ng 18 markers para sa Tropa na nakabalagbag din ng double-digit output buhat kina Jayson Castro (15 points at 10 assists), Simon Enciso (14 points kabilang ang apat na tres) at Poy Erram (12 markers at 14 rebounds).

Ayaw ng tropa ni coach Ferdinand Ravena na muling danasin ang magkasunod na pagkakalubog sa Game One (94-100 sa overtime) at Game Two (90-92).

The Scores:

TNT 88 - Pogoy 18, Rosario 15, Castro 15, Enciso 14, Erram 12, Washington 9, Reyes 5, De Leon 0, Semerad 0, Montalbo 0, Vosotros 0, Flores 0.

GINEBRA 67 - Tenorio 19, Aguilar 15, Pringle 11, Mariano 8, Thompson 8, Dela Cruz 3, Dillinger 2, Caperal 0, Chan 1, Devance 0, Balanza 0, Tolentino 0.

Quarters: 21-26; 44-34; 66-56; 88-67.

(photo by: pba.ph)