Kings lumagok, nadenggoy ang Tropang Giga sa OT
PBA

Kings lumagok, nadenggoy ang Tropang Giga sa OT

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City - Pumirmi si Coach Tim Cone sa kanyang unang pambalandra na pawang nagsipag ratsada para tapakan ng Barangay Ginebra ang  TNT Tropang Giga sa overtime at akuin ang 100-94 win sa simula ng  PBA Philippine Cup finals sa AUF Sports Center Powered by Smart 5G sa Angeles City,  Pampanga, Linggo. 
 
 
Rumagasa sina Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson at Arvin Tolentino sa bigating mga minuto at todong nangalampag para mabuwenamanuhan ang  Tropang Giga sa malabagang na ratsadahan sa kanilang best-of-seven titular series.
 
Didiretso ang Gin Kings na masundan ang nalagok na panalo sa Game 2, Miyerkules.
 
"Everybody contributed and it's really a great team effort," bulalas ng Ginebra coach matapos angkinin ang unang dugo sa serye. 
 
"We got a lot of contribution, and that's gonna be to beat this team," ani pa  Cone, na ipinarada ang kanyang mga starter, kasama na si  Tolentino na umiskor ng malaking  basket buhat sa hatag ni Tenorio para dalhin ang laro sa overtime.
 
Sa OT, patuloy na nagsanib puwersa sina Aguilar, Pringle, Thompson at Tenorio na tunay ngang mga unang maaasahan para abatan ang istratehiya ng pagpupursigi  ng TNT.
 
"Laban lang talaga," sambit ni Aguilar, namuno sa lahat ng  players sa  puntos at rebounds na may 25 at 16.
 
Ang high-leaping Ginebra center ay inilatag ang  10 puntos para suportahang mamentina ng tropa ang sagupaan sa huling kanto para talbusin ang dalawang malaking buslo sa kanilang 8-2 ragasa sa ekstrang minuto. 
 
Hatag si Tenorio ng 12 points at malaking nagawang distroso sa kanyang abilidad sa pagtimon kabilang na ang kanyang  back-to-back dish-offs kay Aljon Mariano at  Aguilar tungo sa  100-94.
 
Sumalansan si Pringle 24 points, seven rebounds at kaparehong bilang ng  assists, kumarga si Thompson ng  15 markers, 9 boards at five dole-outs habang si  Tolentino, rookie na may malaking puso, ay tumibag ng  14 baskets kasama ang  4  boards.(LP/PBA)
 
photos courtesy : PBA.PH
 
The Scores:
 
GINEBRA 100 - Aguilar 25, Pringle 24, Thompson 15, Tolentino 14, Tenorio 12, Mariano 6, Chan 2, Devance 2, Caperal 0.
 
TNT 94 - Parks 20, Pogoy 19, Washington 14, Castro 12, Erram 10, Enciso 9,Rosario 8, Semerad 2, Montalbo 0, Reyes 0.
 
Quarters: 22-27; 41-41; 66-71; 92-92; 100-94 (OT).