MANILA – Nakatakdang lumarga ang apat na pinakamalalaking pangalan sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 sa Philippine Basketball Association (PBA).
Kumpirmado sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, at Santi Santillan na magdeklara para sa top tier 5-on-5 cagefest's draft.
Ang apat ay ilan lang sa anim na pinakamagagaling na 3x3 players sa Pilipinas batay sa FIBA 3x3 points na nakuha nina Munzon at Pasaol sa pagiging Top 2.
Ang apat na manlalaro ay bahagi ng national pool para sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament.
Katatawanin nila ang Zamboanga City sa Chooks 3x3 President's Cup at Manila sa FIBA 3x3 World Tour Doha Masters.
Pinangalanan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sina Munzon at Pasaol sa final lineup kasama sina PBA stars CJ Perez at Mo Tautuaa.
"Thank you Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike, and Leonard Santillan for making our country proud over the last two years," sa pahayag ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, Huwebes.
Napaulat na sina Munzon, Pasaol, Rike, at Santillan ay nagdeklarang lalahok sa PBA Draft para iwasan ang negatibpng implikasyon sakaling itutuloy nila para sa ikalawang sunod na taon.
"We at Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 won't hinder you from achieving your dreams," anang Chooks 3x3.
Ang six-foot-four na si Munzon ay may karanasan na sa paglaro sa professional 5-on-5 basketball, kaakibat para sa Saigon at Kuala Lumpur sa Asean Basketball League sa huling dekada bago tuluyang nanatili na sa bansa.
Samantalang si Rike ay naglaro sa college basketball para sa Wake Forest, ang alma mater ni National Basketball Association legend Tim Duncan at kasalukuyang superstar Chris Paul, na nagpapalakas sa mga team na kunin ang six-foot-eight forward.
Sa kabilang banda, si Pasaol, ang bruskong six-foot-four winger, ay interesanteng prospect na minsa'y pumukol ng 47 points para sa University of the East, pinaka na sa isang single player sa University Athletic Association of the Philippines buhat dekada '70.
Si Santillan, six-foot-five forward, ay napaayos ang kanyang laro sa 3x3 ranks, kalauna'y natipa ng husto ang kanyang hook shot para maging solidong personahe at presensiya sa loob.
Bagong lisensya
Samantala, inihayag ni Games and Amusements Board chairman Baham Mitra na sina Munzon, Pasaol, Rike, at Santillan ay maaring kumuha ng bagong professional athlete licenses sakaling itutuloy nila ang kanilang plano sa draft.
"It's gonna be a new license," ani Mitra sa Usapang Sports online press conference ng Tabloid Organization in Philippine Sports.
Nauna rito kanya pang inulit na ang pro licenses para sa 3x3 ay iba kaysa doon sa 5-on-5.
Gayunpaman, sa pinakahuling developments sa club basketball play, sinabi ni Mitra na ang GAB ay magdaraos ng pagpupulong sa
GAB-sanctioned leagues para linawin ang mga bagay tulad ng licensing at potential implications sa PBA's Rookie of the Year race.
"We will have a dialogue with them. Ayaw namin ng away at gulo," aniya. "Gusto lang namin maging conduit ng cooperation between the leagues."
Sa kaso ni Munzon, maari niyang i-renew ang kanyang lisensiya sa 5-on-5.