SMART CLARK GIGA CITY - Nakagugulantang na naiputok ni Scottie Thompson ang isang dumadagundong na tres sa paupos na segundo kalakip ang halos dikit na triple-double performance at isalba ang Barangay Ginebra tungo sa PBA Philippine Cup finale sa bisa ng 83-80 panalo kontra underdog pero nikmating Meralco Bolts Biyernes sa kanilang duwelo sa semis.
"Tinira ko na lang dahil wala ng oras. Tinira ko na lang at si God na ang nag-shoot non," bulalas ni Thompson sa kanyang winning basket na naghatid sa kanilang interesanteng title series laban sa nauna nang TNT Tropang Giga umpisa ng Linggo sa AUF Sports Center Powered by Smart 5G.
Ang kanilang kapalaran sa bubble ay basa alanganin hanggang sa maitawid ni Thompson ang three-pointer na bumasag sa 80-all deadlock at puso ng Meralco.
Winakasan ng Ginebra ang pangarap ng Meralco sa bubble tourney, na ang Kings ay naipanalo ang winner-take-all at lalargathus sa unang all-Filipino crown sa loob ng 13 taon.
Umalsa ng todo si Thompson sa lastiko, kumana ng 7-of-15 mula sa field at gayundin kumakawit ng 12 rebounds at pitong assists, apat na turnovers.
Si Stanley Pringle (22 points at walong rebounds), LA Tenorio (14 t 5) at Japeth Aguilar (12 at walo) hinatag din ang ibayong pag -angat para sa Kings na nanatiling target na masundan ang kanilang korona sa Governors Cup.
Nasa tamang pag arangkada ang Bolts sa halos kabuuan ng aksiyon ay kinapos sa huli, na mailap ang all-Filipino finals para sa prangkisa. (LP/PBA)
Photo Courtesy : PBA.PH
The Scores:
GINEBRA - 83 -Pringle 22, Thompson 20, Tenorio 14, Aguilar 12, Caperal 5, Mariano 5, Devance 2, Dillinger 3, Tolentino 0, Chan 0.
MERALCO - 80 - Newsome 15, Hodge 14, Quinto 14, Maliksi 12, Hugnatan 12, Jackson 4, Almazan 4, Amer 3, Black 2, Jamito 0, Pinto 0.
Quarters: 17-14; 33-31; 55-59; 83-80.