Game 3: Phoenix giniba ang TNT 

Game 3: Phoenix giniba ang TNT 

PBA

Game 3: Phoenix giniba ang TNT 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City. - Hindi naging isyu ang sprained ankle ni Matthew Wright para maramdaman naman ng TNT Tropang Giga ang sakit matapos dalhin ang  Phoenix Super LPG sa bisa ng 92-89 panalo Linggo sa game 3 ng serye. 
 
Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Fuel Masters sa kanilang duwelo sa PBA Philippine Cup semifinals sa  Smart 5G-powered AUF Gym,  Angeles City, Pampanga. 
 
Umiskor ang Fil-Canadian gunner ng game-high 25 points na sinamahan ng limang tres,  kabilang na ang pasibat na  turnaround shot na naghatag sa  Phoenix ng 92-89 ungos sa huling 23 segundo na tumindig nang parehong magmintis ang tangkang tres nina Roger Pogoy at  Jayson Castro para maitabla ang laro.
 
Makaraang sundan ang kanilang  110-103 sa Game 2, Biyernes sa Fuel Masters maaring maikandado na ng tropa ang  best-of-five series ng isa pang panalo sa Miyerkules kung saan tinamo ni Wright ang sakit ng tuhod ng maaga sa  92-95 Game 1 pagkatalo.
 
"I'm playing through the pain, playing with limited mobility," pag-amin ni Wright. "Four days after spraining my ankle it's still really painful, it's throbbing right now. I'm glad we have two days rest before the next game."
 
 
Patuloy namang sinasalag ni winning coach Topex Robinson ang anumang mga pagsubok sa kanyang pinaka- unang pagtuntong sa semifinals ng liga.
 
"Again, you'll never know when you'll get this chance again so no matter what the game is, it's always about again just trying to enjoy it," sambit ni Robinson. "We already overachieved coming to this series."
 
Buong puwersa ng koponan ang nagsilbing sandata pa rin para sa Phoenix sa aksiyon na umungos sa 71-61 bago abatan ang kampanya ng TNT na baligtarin ang laban. 
 
Nasa tamang asinta pa rin si Calvin Abueva sa kanyang 24 points, 14 rebounds at six assists habang nag- ambag si Jason Perkins ng 11 points nang maisalang ang  follow-up shot para sa 90-87 count.(LP/PBA)
 
PHOTO COURTESY : PBA.PH
The Scores:
 
PHOENIX 92 - Wright 25, Abueva 24, Jazul 11, Perkins 11, Chua 8, Intal 5, Napoles 3, Rios 3, Mallari 2, Garcia 0, Marcelo 0, Heruela 0, Gamboa 0.
 
TNT 89 - Parks 19, Enciso 16, Rosario 14 , Castro 12, Pogoy 8, Reyes 5, Erram 6, Montalbo 6, Washington 3, Carey 0.
 
Quarters: 22-24; 49-47; 73-69; 92-89.