Meralco Bolts rumesbak sa Kings, 95-77

Meralco Bolts rumesbak sa Kings, 95-77

PBA

Meralco Bolts rumesbak sa Kings, 95-77

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City - Ang karakter ng Meralco na walang sukuan ang naging sandata para mangibabaw kontra sa  never-say-die mantra ng Barangay Ginebra sa ikalawang gabi ng salpukan sa serye ng PBA Philippine Cup semis face-off.
 
Naharap sa posibleng mabaon sa 0-2 pagkalublob sa race-to-three series, nagising ang  Bolts sa ikatlong kanto para kumpletuhin ang matinding pagbangon sa bisa ng 95-77  panalo at itabla ang serye sa 1-1.
 
Matitinag ng Bolts at Kings ang  standoff sa pivotal Game Three, Linggo sa  AUF Sports Center Powered by Smart 5G.
 
"We just talked about the reality that we could not go down 0-2 in the series. We would not have a chance to come back from that deficit against Ginebra," sambit ni Meralco coach Norman Black.
 
"We made a few adjustments and the guys executed very well. We had a lot more balance in this game, with a lot of guys scoring. That gave us a big lift," aniya pa. 
 
Sinilihan ni Chris Newsome ang lahat sa pagsisimula ng third canto at kanyang katropa para rumagasa sa  Kings at abatan silang maipanalo ang isa naturang  bubble glory.
 
"We knew we had to come out with a lot of energy than the first game. Lots of guys came out and stepped up," ani  Newsome na pinamumuan ang Bolts sa tinabas na 16 points kasama ang  6 assists, 4 rebounds at steal.
 
Ganadong sumagupa rin si Raymond Almazan sa kanyang best game sa liga sabit ang 11 puntos kaparehong bilang ng rebounds, dumiliber si Allein Maliksi ng 14 markers buhat sa bench habang pinatunayan nina Cliff Hodge at Bong Quinto na sila'y malaking patibong sa kanilang tinibag na double-digit productions.
 
Pero hinanap din muna ng Bolts ang kanilang sarili sa mga ilang pagkakataon bago natumbok ang hilatsa ng kanilang mohon.
 
 
Pumukol si LA Tenorio ng 4-of-6 mula sa arko para sa  Kings nang akuin ang kanilang maagang inisyatiba at umungos ng walo, 50-42, sa kalahating kabanata. 
 
Ngunit mariing nanindigan ang  Bolts sa depensa, para umahon at agawin ang unahan  65-61, diretso sa huling kanto.(LP/PBA)
 
Photo Courtesy : PBA.PH  
 
The Scores:
 
MERALCO 95 - Newsome 16, Quinto 14, Maliksi 14, Hodge 12, Almazan 11, Amer 10, Hugnatan 9, Pinto 3, Black 2, Caram 2, Jamito 2, Faundo 0, Jose 0, Salva 0.
 
BARANGAY GINEBRA 77 - Aguilar 17, Tenorio 16, Thompson 10, Tolentino 9, Pringle 9, Caperal 6, Salado 4, Mariano 4 , Caguioa 2, Dela Cruz 0, Dillinger 0, Devance 0, Balanza 0.
 
Quarters: 23-27; 42-50; 65-61; 95-77.