SMART Clark Giga City. - Winakasan ng Meralco ang kampanya ng San Miguel Beermen na maidepensa ang korona, nang ibalandra ang 90-68 panalo, Linggo para aregluhin ang PBA Philippine Cup semifinals duel sa Smart 5G-powered AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Pinaluwal ng Meralco ang todong enerhiya sa kanilang pinaalpas na 16-0 bomba sa ikatlong kanto na nagtakda sa Bolts na palobohin sa 75-48 diretso sa pagbagtas ng kanilang pagmando na sundan ang 78-71 panalo sa pagsisimula ng quarterfinals duel noong Biyernes.
Sasagupa ang Meralco sa best-of-five match-up buhat sa eliminations topnotcher at maagang semifinalist Barangay Ginebra, kaparehong tropa na tumagos kay Norman Black at kanyang alipores sa tatlo ng huling apat na Governors Cup finals.
Saka na muna ang pagkakalmante na nakuha ni Black at ng tropa ang matamis na reward sa pagsansala sa fourth-ranked SMB na mahugot ang win-once na bentahe sa bakbakan.
"We knew we were at a disadvantage and we just said we'd take it one quarter at a time. That's all we could do, try and win every quarter and just keep on going no matter what happens," sambit ni Cliff Hodge, na nag-ambag sa scoring paea sa Meralco kasama si Baser Amer, na may tig-14 puntos.
Para kay Black, napagtanto ng kanyang tropa na ang pag-entra sa final four sa unang pagkakataon sa komperensiya na dating kilala sa bansag na All-Filipino ay naging testamento sa maalab na trabaho ng kanyang players partikular na ang pagpigil sa oposisyon.
"Tonight was really a focus on defense," sambit ni Black. "We knew what we wanted to do defensively. We knew that they were a team that posted up a majority of the time so we tried to devise schemes that would try to slow down their post-up (threat), Mo Tautuaa, and their guards.
The Scores:
MERALCO 90 - Hodge 14, Amer 14, Hugnatan 12, Maliksi 11, Quinto 9, Newsome 9, Black 9, Almazan 8, Jamito 2, Jackson 2, Caram 0 , Salva 0, Pinto 0, Jose 0.
SAN MIGUEL 68 - Lassiter 20, Tautuaa 13, Santos 10, Ross 7, Cabagnot 6, Zamar 3, Alolino 2, Pessumal 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Escoto 0.
Quarters: 21-11; 43-31; 75-50; 90-68.
(photo c: pba.ph)