Bolts pumuwersa ng duwelo vs Beermen

Bolts pumuwersa ng duwelo vs Beermen

Bolts pumuwersa ng duwelo vs Beermen
PBA

Bolts pumuwersa ng duwelo vs Beermen

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART CLARK GIGA CITY - Determinado ang Meralco Bolts na pisatin ang ilang bagay na espesyal sa kanilang unang all-Filipino playoffs sa loob ng limang taon.

Ang beteranong mandirigmang si Reynel Hugnatan at rookie Aaron Black ang maituturing na may malalim na pagnanasa sa kanilang pinagtulungang 30 points kabilang na ang pagputok sa endgame para makapuwersa ang Bolts ng lumalagatik na dwelo kontra San Miguel Beermen sa kanilang matchup sa bisa ng 78-71 panalo sa Smart 5G-powered AUF Sports Center, Angeles, City Pampanga, Biyernes.

"The guys played with a lot of heart out there. They just played hard," sambit ni coach Norman Black kung saan pinatukod nila ang Beermen at ilatag ang do-or-die action, Linggo.

We didn't shoot well but our defense held up," ani pa Black.

Katulad ng Beermen, nangunyapit ang Bolts sa kanilang shooting pero pinagana ang kanilang atake sa depensiba at bumatak ng krusyal na birada sa bandang hulihan.

Inalagaan nila ang katiting na 71-67 lead nang pinutok ni Hugnatan ang perimeter shot, sinundan ni Black ng three-pointer na nagpaluwag ng daang makaeskapo.

Binomba ni Black ang kabuuang tatlong tres at nagtapos ng 14 buslo at tatlong rebounds na nagsilbing belated gift sa kanyang ama.

"Yesterday (Friday) was my birthday but I take this gift even if it came a day late," sabi ng nakakatandang Black.

"It's halftime. We haven't achieved anything yet. We still need to win one more game," wika ni Aaron.

Humatak si Hugnatan ng 16 points buht sa pitong rebounds at bumahagi din sa giyera sina Baser Amer , Chris Newsome, Cliff Hodge at Bong Quinto kung saan pinagkibit balikat ng Bolts ang maagang pag eksit ni Raymond Almazan sa laro.