Mamamayan ng Pasig pinaalalahanan ni Vico sa panahon ng GCQ  

Mamamayan ng Pasig pinaalalahanan ni Vico sa panahon ng GCQ  

Mamamayan ng Pasig pinaalalahanan ni Vico sa panahon ng GCQ  

Mamamayan ng Pasig pinaalalahanan ni Vico sa panahon ng GCQ  

MAYBUNGA , PASIG - Panibagong pinaalalahanan ang mga residente ng Pasig City kaugnay sa bagong  guidelines sa transportasyon sa loob ng lungsod matapos ilagay ang  Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) noong Lunes  (June 1).
 
"Similar pa rin po yung MECQ at GCQ, ngayon ang naging pagkakaiba lang mas marami po ang pinapayagang establisyimento at negosyo na magbalik operation (The guidelines on MEQC and GCQ are similar, the only difference is that more commercial establishments and businesses are allowed to resume operations)," ani Sotto sa kanyang Facebook live stream Linggo ng hapon.
 
Ayon kay Sotto,   ang nga pribadong sasakyan, tricycles, taxis, shuttle services, motorcycles, at  bikes ay pinapayagang bumiyahe sa   Pasig.
 
Pinaalalahanan ni Sotto ang kanyang mga nasasakupan na ang paglipat sa  GCQ  ay di nagbabago ang anumang pinapatupad na precautionary measures ng lokal na pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.  
 
"Kung sabihin naman po nila (IATF), okay na. Mag-iisue po ng special ID ang Pasig, gagawin po natin iyan kung nakuha na natin ang approval nila (if ever the IATF already allows it, if it's okay. Pasig will issue a special ID on that, we will only do that if we already get the national government's approval)," anang batang Meyor.
 
Tinukoy din niya na ang  Pasig local government ay nakapagpadala na ng sulat sa  Department of the Interior and Local Government (DILG) para linawin ang alituntunin para payagan ang mga motorcycle back rides sa panahon ng implementasyon ng GCQ.
 
Aniya,  ang pagpapayag sa  motorcycle back rides, ay nasa  mandato pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases kung ito'y papayagan. (LP)