- PBA
Sinandalan ng TnT Katropa ang malaking ratsada sa ikatlong kanto para kabigin ang Game 3 at iiskor ang 101-97 panalo kontra Meralco at isang hakbang na lang na abutin ang kampeonato sa PBA Governors Cup Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Na-outscored ng Katropa ang Bolts, 35-20, sa third, bago ikomando ng trio nina Troy Rosario, Jayson Castro, at KJ McDaniels ang atake sa endgame sa paghugot ng panalo at ihatag ang 2-1 lead sa best-of-five series.
Maiiposte ng TnT Katropa ang silya sa finals sakaling matuldukan ang isa pang panalo sa Game 4, Sabado sa Ynares Center sa Antipolo.
Pumukol si Rosario ng 25 points kabilang na ang three-pointer na bumasag sa 91-all game, habang humirit si Castro ng 17 at tumubog ng jumper para isampa ng Katropa ang kampanteng bentahe, 98-97.
Isang tip-in ni McDaniels mula sa mintis ni Castro sa huling 35 ang sumelyo para sa TnT, 100-97.
"Our locals stepped up. We're happy especially on our defense, which was way, way better than our last game," sambit ni TnT coach Bong Ravena.
Naghatag si McDaniels ng 18 points at 14 rebounds, na halos sinalpak ang baskets sa ikalawang parte matapos hindi makaporma sa kaagahan ng laro.
(Louis Pangilinan)