Ni Louis Pangilinan
Tuluyang pinag-empake ng Far Eastern University ang Adamson para sa Final Four race ng UAAP Season 82 men's basketball tournament sa bisa ng dikdikang 63-60 pagsuwag, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.
Tumabo si L-Jay Gonzales ng 11 points, walong rebounds, at tatlong assists, kasama na ang crucial split buhat sa linya may 1:28 sa aksiyon kung saan blinangko ng Tamaraws ang Soaring Falcons sa huling minuto.
Sa katunayan, may oportunidad pa sana si Jerom Lastimosa, na tumira para ipuwersa ang overtime makaraang ihigit ng Adamson ang FEU sa crucial five-second inbounds violation may 11.4 seconds pa, pero tumalbog ang kanyang tres pagtunog ng buzzer.
Nanatili sa ikaapat na posisyon ang Tamaraws sa kanilang 7-6 record.
"Obviously we’re happy with the win, which was our seventh, but actually, we haven’t done anything yet. We have no reason really to celebrate," sambit ni coach Olsen Racela.
Naghatag rin si Wendell Comboy ng 11 points at pitong rebounds, habang si Ken Tuffin ay kumana ng 11 points at 7 boards sa larong kung saan nawaldas ng FEU ang 12-point lead, 55-43 sa fourth.
Trinabaho ni Cameroonian center Patrick Tchuente ang paghatag ng 16 rebounds, habang komolekta ng 4 puntos at dalawang supalpal.
Mapait na kabiguan ito para sa Adamson, kung saan nalaglag sila sa unang semifinals buhat nang akuin ni coach Franz Pumaren ang manibela noong 2016.
Dinala ni Congolese big man Lenda Douanga ang Soaring Falcons na may 10 points, 22 rebounds, at 2 blocks, pero hindi sapat para mailigtas ang tropa, 4-8 kartada.
Sina Jerrick Ahanmisi at Aaron Fermin ay kapuwa umiskor ng 10 sa pagkatalo
Iskor:
FEU 63 -- Comboy 11, Gonzales 11, Tuffin 11, Bienes 6, Stockton 6, Nunag 5, Ebona 4, Tchuente 4, Torres 3, Alforque 2, Cani 0.
ADU 60 -- Ahanmisi 10, Douanga 10, Fermin 10, Lastimosa 9, Camacho 6, Manlapaz 5, Sabandal 4, Mojica 3, Yerro 2, Chauca 1, Bernardo 0, Magbuhos 0.
Quarterscores: 22-12, 43-31, 50-41, 63-60.(LP)